SY 2016-2017 


Hallouuuuu! 

Today’s my daughter’s first day in her big school. Kamusta? Ayon. Nakakaiyak. Yes. Nakaka-emotional. I woke up at 4:30AM (goodness gracious, 4:30AM!). Prepared her breakfast, lunch and snacks. Woke her up at 5AM. Aba, ang bagets, hindi nagpahirap! She’s very excited of the thought of waking up even before the sun shines! Patay talaga ako sa aga! Hahaha.
Walang kahirap-hirap. While she was eating, I had my morning coffee ritual na. At 5:30, ready to take a bath na sya. Woke up husband na din kasi he’ll bring us to school. Haha, kahit ano’ng kamot ang gawin niya, wala siyang choice! At 6AM, we were already on the road. Walang traffic paglabas ng Pateros, pero pagpasok namin ng Pasig, ayan na. We arrived at 6:40, enough time na yon para makapag photo ops ako kay Enzo! Hehe. 
Pagpasok pa lang ng school grounds, kinuha na ni Enzo yung bag niya, siya na daw. Since natunton na namin yung room niya noon, she knows where to go na. Ang laki-laki na ng anak ko! Pagpasok niya sa classroom, I was half expecting na na hindi na siya babalik sa akin. Pero nag stop muna sya, nag hug and kiss, and nag iloveyou. Paiyak na talaga ako! Hahaha. 
Kung ako yung student, sa likod ako uupo! Pero not my daughter! She walked straight infront, grabbed the chair beside the teacher’s table and settled down. Pak! Beautifully confident with a heart! Hahaha.
I kept on waving at her pero panay smile lang siya. Tapos thumbs up lang. When the bell rang, the parents had to leave na. I waved once more, pero busy na sya sa katabi niya. Oh no. 
Pagsakay ko ng kotse, napabunting hininga na lang ako. Malaki na si Enzo. Slowly, nakikita ko na yung inaasam kong independence niya. Slowly, nakikita kong tama ang pagpapalaki namin sa kanya. There’s a long way to go, day 1 pa lang ng gradeschool years niya, but heck, a good foundation does wonders! 
It was my father-in-law and I who picked her up. We were already there ng quarter to two. Hehe. My FIL was able to secure a parking space inside the school compound, kaya nauna sya makapasok. Bumaba na kasi ako sa gate, thinking na sa labas lang sya magpapark. Aba! Tumawag na lang sya at sinabing nakita nya na yung room, sya na daw ang sasalubong, sunduan nya na lang kami. Excited lang, Pa?!? Haha. 
Ang daming kwento ng anak ko. Naubos nya yung naprepare kong lunch. Naubos yung isang pack ng cookies. Naubos yung 2 packed juice. Naka 500ml na water. Hahaha puro pagkain! 
May classmate daw sya nu’ng Prep na classmate niya ulit ngayon. May friend na siya. Nag-rearrange daw si teacher ng ‘cheating’ arrangement, napunta daw siya sa likod. Sabi nga ni husband, sumpa ng apelyido nya yon. Bacdayan kasi ako dati, lagi ako sa harap! Haha. 
At dahil anak ko nga to, may VERY GOOD mark na sya agad from her teacher for being able to follow an instruction. Eh kasi nga, anak ko to! Bwahahaha! 
Hay. Naiiyak nanaman ako. Ang arte ko na talaga! Hahaha. 

So, SY 2016-2017, my daughter is sooooo ready to rock you! 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s