June 14, 2016: Part Three


Ang clichè na to say that time flies so fast. Pero yun talaga, eh! Ang bilis. 


Dati karay-karay ko lang sya sa mga braso ko. Iyak lang ang form of communication na kaya niya. Tapos nag start na gumapang, lumakad, magsalita ng bulol bulol. Then nainggit sa mga pinsan niya na iniiwan siya kapag pumapasok sa school. So nag-enroll din kami. 
Natuto siya magsulat, magbasa, magrason. Tumatas na sya magsalita. Nag-improve ang comprehension. Very good ang memory. Pre-Nursery, Nursery, Kindergarten, FIRST HONORS nu’ng Preparatory! 


After 2 months of summer vacation, eto na! Grade 1 na si Enzo ko! Hindi nag sink in yun nu’ng nagpapabalik balik pa kami sa school to comply with the requirements. Not even after I was able to completely purchase her school stuff, supplies and uniforms. Not even after I wrapped all her books and notebooks. Not even after we got so stressed to find out that the school service can no longer accommodate her. 
So when did it sink in? Nu’ng nag grogrocery na kami last Sunday. Her school starts at 6:50AM (6:50AM for heaven’s sake!) and ends at 2:20PM. Whole day na siya! We need to prepare na din her lunch! Eh antagal kumain ng anak ko! As in 1-1.5 hours! Minsan sinusubuan pa namin yon! Baby ko pa din siya, eh! Paano kakain ang anak ko? Madali magluto. Magdali magprepare. Pero, PAANO SIYA KAKAIN?!?! Hahaha! 
Yung bullying, yung pagsulat ng notes, pag answer ng quiz, socialization, I know she can get through. Bigla akong nag sepanx sa LRC! 
Paulit-ulit ko syang nireremind ng safety measures. Naiinis na nga sya saken. Better to be safe than sorry, di ba. Kaya yon. 


Today’s her first day as a gradeschooler. Aja, baby!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s