Sidekick


No man is an island, sabi nila. Kahit gaano kasama or ka-loner yung tao, there’s always this someone, as in bukod tanging makaka-intindi ng topak mo, ng mood swings mo, ng kalokohan mo. Pero hindi kayo bestfriends. Lalong hindi kayo mag-jowa. Sadyang iisa lang ang takbo ng utak ninyo. 

Sa lahat ng kumpanyang napasukan ko, lagi akong may ganong kaibigan. Parang sidekick! Hindi alalay, more of kadamay. 
Kapag nasa opisina, lagi kong kasama, katawanan, kagaguhan, pero paglabas ng office at tapos na ang trabaho, may kanya-kanya kaming buhay. Hindi clingy. Hindi nagdedemand ng text o tawag. 
Sila yung number 1 fan mo. Lahat ng sabihin mo, nakakatawa sa kanila. Automatic audience. Trainee. Lahat ng katarantaduhan mo, na-a-adopt nila. Hehe.
Kapag trabaho, trabaho. Fine. May halong gaguhan. Bilang maganda ang mood ko ngayon, kahit ansakit ng likod ko sa lamig, shet antanda ko na. Sila ang pag-usapan natin. 

1. Si Perets. 

– shortcut ng Perete, married name. Separated sa asawa, so single parent sya. Sa pinakaunang trabaho ko sya nakilala. Sya yung ‘sabaw’ lagi sa grupo. Lutang. Ewan kung sinasadya. Hahaha. Pareho kaming taga-Fairview kaya madalas kaming magkasama. Kapag inaya ko magkape, mag shopping ng fake na hikaw, uminom, magwalwal, maglakwatsa, gora lang sya. Dalaga pa kasi ako non. Strike anytime anywhere si Perets! 

 2. Si Niño. 

– yep, the husband. Sa MDC kami nag meet, sa second job ko, and the rest, as they say, is history.

3. Richard

– na-i-blog ko na si Richard before. Sanggang dikit kami no’n! Lagi kaming host / emcee ng mga program sa office, nu’ng nasa gobyerno pa kami pareho. Pati sa shuttle, laging kami ang bangka! Bida. Kami din ang pinaka madalas mapaiyak ng boss namin, si Ms Noelle! Hahaha. 

4. Izza

– si Ateng ko. Partner-in-crime din. Sa trabaho, katarantaduhan, katatawanan, kinaiinisan. Sa URC naman kami nagmeet. Pati sa fun run, partners kami. Kaagaw ko sya lagi sa pancit canton, Coke, siomai. Yun lang, One Directioner sya, ako hindi. BSB sya, Boyzone ako. Hahaha.

5. Aileen

– current officemate ko si Ai. Ambabaw lang ng kaligayahan no’n eh! Feeling ko, pabukas pa lang ang bibig ko, ready na sya tumawa. Trainee ko na nga yon eh! Tahimik kasi dati yon. Di palaimik. Pero ngayon, magaling na humirit! Maharot na din! 

As I write, naisip ko na kung ano itatawag ko sa kanila! Hahaha! SIDEKICK! Parang Bossing-Jose, Dolphy-Babalu, mga ganung levels! Haha. Sila yung mga mas natatawa kapag seryoso ako. Laging ready humahalpak ng bongga! 

Kayo, may mga sidekick din ba? 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s