Bully-hin Mo Mukha Mo!


Sabi nila, bully daw ako. Mahilig daw ako mam-bully. Galing ko daw mang-asar tsaka mang-alaska. Ang sutil ko daw. Sabi nila antaba daw ng utak ko. Ang kulit ko daw. Sabi ko naman, WEH DI NGA?

Ayoko naman ma-tag na bully. It’s not nice. A bully is someone who is habitually cruel to others, esp someone weaker. I am not like that. 

Siguro I am just witty. I can talkback fast. When people throw me insults, I can get back to them even before I get insulted. I just react fast. I am impulsive. Keyword here is REACT. I give people their own dose of medicine, if provoked. That’s me. 

Pero I admit, pilosopo ako. I can have a crooked thinking and reasoning, if I want to. People find it funny, eh. Sa lahat ng ‘hosting’ gigs ko, yun yung mabenta. Pang stand-up comedy. 

Yun siguro yung napapala ko sa pakikipagkwentuhan sa mga ordinarying members of the community, gaya ko. Nakikipagchikahan ako sa tricycle drivers, barkers, magtataho, magmamani, mag gugulay, magbabalot, drayber ng jeep, tambay, gwardiya, utility, bodyguards ng mga amo. Hehe. Walang kaso sa akin yun. Lalo nu’ng nasa construction pa ako. Tuwang tuwa ako sa mga hirit ng mga construction workers! Ang babaw lang kasi ng kaligayahan nila. Tapos realistic pa, totoong nangyayari. 

Pero madalas, di ko na alam kung saan nanggagaling yung kapilosopohan ko. Basta lang binato ng isip ko yung lumalabas sa bibig ko. 

Actually ganun yung type of comedy na gusto ko eh. Improv. Kaya siguro ako nawili sa SPIT shows dati. Pati sa Kalyeserye ng EB. 

Ayoko ng slapstick comedy. Yung ginagawa ni Dolphy, Panchito, Bossing na nagrorolyo ng dyaryo tapos ipapalo sa kasama? Di ako natatawa sa ganon.

Yung kay Vice Ganda naman, nakakatawa pero di ko gusto yung kailangan nyang manglait ng kaharap nya. 

Ang mga gusto kong commedianes, yung mga marunong sumulat. Sumulat, as in kaya mag conceptualize mag-isa, yung nag-iisip ng ipapa-trend, yung gumagawa ng script, ng libro, ng article, ganon. 

I like Joey De Leon. Some say he’s bastos. I say they just don’t get his humor, his intellect. He won’t stay long in the industry if he doesn’t know how to play the game. I read his newspaper articles, his tweets. He deserves to be called as Pinoy Henyo. BTW, that game’s name was from him. 🙂 

I also like Brod Pete. Alien? Alien! Parang under acting ni Jaclyn Jose yung mga bitaw niya. Kapag di mo dinigest yung sinasabi niya sa simula pa lang, ma-lo-lost ka. Who would forget ‘Ang Dating Daan?’ ‘Nasusulat po ba?’ ‘Basa.’

I like Bitoy, too! Kaka-launch langng book niya, di ba? Si Bitoy, minsan corny, waley. Pero nakakatawa siya magbitaw. Parang siya yung kaibigan mo na di pa nagsisinula magkwento natatawa na. Ganun. 

Lastly, Jose Manalo, Wally Bayola and Paolo Ballesteros. JoWaPao! I don’t like them just because of AlDub, ha! I have been an Eat Bulaga fan eversince! With or without AlDub, fan nila ako. Spontaneous eh! Yung conversation nila mismo ang nakakatawa. Very relatable yung usapan nila. Pilosopo, pero common sense ang kailangan para ma-get sila. It helped that they are very good with their own craft, may individuality. Ang galing! 

YOLO nga daw. Kaya dapat, happy lang! 😂

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s