Repeat After Me: DO NOT TEXT AND WALK


Kung may isang bagay na hindi na nawala sa akin, yun ay ang pagiging lampa. Yes lampa. Madali ako matapilok, matisod, madapa. Hindi naman ako flat-footed gaya ng asawa’t anak ko, pero talagang lampa.

Minsan kahit flat na flat ang sahig, natatapilok ako. Pinakamatindi kong tapilokyung pag graduate ko ng highschool. Na-fracture ang kanan kong paa. Sabi ng ortho, humina daw ang paa ko after no’n. 
Pero hindi ako naniwala. Umariba pa din ang dancing prowess (talaga lang ha)bko ng college. Ganun din nung nagtratrabaho nako. Nadiskubre kong masaya mag badminton, at hindi naman ako napano nung nasa construction ako. 

Nung buntis ako, lagi akong pinagdadala ng asawa ko ng malaking payong. Kasing laki ng pang beach! Joke lang. Automatic tungkod daw. Fine. 

Ano bang problema ko? 

Galing akong OB (Official Business, hindi office bulakbol at lalong hindi owi ng bahay), pabalik nako ng office, wala ng isang metro ang lalakarin ko kasabay ang isang kaopisina at nasa building na ako ng naramdaman kong nag vibrate ang telepono ko at tinignan ko. Ui! Work related, basa-basa, reply konti, an then poof! Na shoot ang paa ko sa opening ng drainage! Isang nakakamatay na AYYYYYYYYYYYY! ang naisigaw ko.

Gaano kalakas? Eto yung mga eksenang nakita ko:

1. Yung guard sa dinaanan naming building eh tumatakbo palapit samin.

2. Yung guard sa building namin napatingin.

3. Yung mga nakapila sa ATM (dahil payday na namin) eh naglabasan.

Ang sakit! Ang sakit-sakit! Ang sakit-sakit ng pride ko kasi sobrang pahiyang-pahiya ako! Hahaha! Walang nagawa si officemate kundi tumawa. Ang sweet di ba?
Kaya eto, hindi ako makauwi. Nag iiba na ang kulay ng paa ko, nagiging pink na! Hahaha! Ang kirot, sakit, hapdi. Maaribahan ng hot compress at Celebrex to mamaya, tapalan ng sandamakmak na Salonpas at maibalot ang buong hita ng benda! 
Kainis. Weekend pa naman! 
 

*Moral of the story: DON’T TEXT AND WALK.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s