Happy Birthday, Poxypoxypoxypox


Dearest Poxypoxypoxypox,

Happy happy birthday!
Dahil college pa lang tayo, lagi niyo na akong sinasabihang kuripot, eh paninindigan ko na. Eto na yung regalo ko sa iyo. Hehe.

Can you believe it? Pang-ilang birthday mo na ba to na magkaibigan tayo?

Mula strangers, to classmates, to friends, to my parekoy, tsongkibabes, teh, beki, ngayon, kumare na kita! Akalain mo!

Dati nangangarap lang tayo ng happy life with the boylets. Haha. Since mas malandi ako sa iyo, ako unang naka-fulfill non! Bawas-bawasan mo kasi ang kaka-tic-tac-toe para makahabol! Hehe.

Andami-dami na nating pinagdaanan. Andami na ding nawala sa atin. Nawalan akong tatay. Nawalan ng bio-dad si Tine. Nawala si Alie. Nawala sa sirkulasyon si Suzy. Muntik mawalan ng bait si Yul. Pero friends pa din tayo.

Kahit muntik kang di makapagboard exam dahil lalaki ka pala sa papel. Kahit nagretake ako. Tapos nagretake kayo. Kahit muntik kayo ma-I.R ni Suzy sa pinakauna ninyong trabaho dahil kay Tine. Haha! Kahit paulit-ulit pumutok ang labi mo sa anghang ng sawsawan ng Paotsin.

We seldom see each other but we know we’re friends. There’s love. There’s care. There’s always a part of us wishing to be together again, just like the old times.

Anyway, thank you for everything! Wala akong ma-enumerate na ipagpapasalamat ko sa iyo, kasi, wala eh! Haha! Kasi masyadong madami!

We’re looking forward to your engagement party (engagement muna, saka na ang kasal, yaan mo ng si Tine ang nangangarap na ng kasal ng wala naman bf). I know I’ll see you on our Church wedding (julalay ko! Wooo!). Sa binyag pa ng mga susunod kong babies. Fine, sa kasal ni Tine at ni Yul. At malay mo, pati ni Suzy.

Makakabalik pa tayo ng kantunan ng Mapua at makakapaglakwatsa pa ulit sa Intramuros. Makakapag-Bisita Iglesia pa tayo ulit. Makakapag-Zagu, pero hindi ko talaga kaya ang tall, kabag talaga! Makakapag-Paotsin our favorite! Makakagawa at makakapagreproduce pa ulit ng Pharmacology book para kumita at makanood ng sine sa SM North. Makakapag-Divisoria shopping pa ulit! Masusuyod pa natin ang Baywalk at mag-aabang ng sunset, by that time sana hindi na ginulo para umayos ang hairdo ni Yul. Makakapagswimming pa tayo ulit sa Crame ng naka-bathing suit! Makakatambay pa tayo ulit dito sa bahay at maghaharutan hanggang madaling araw ng hindi uma-attitude si Bragado. Mauutusan pa natin ulitsi Ate Dorz na kuhaan tayong picture! Makakatambay pa tayo sa Trinoma nila Doc at Yul. Marami pa tayong gagawin ulit at magagawang bago.

Magtatawanan pa tayo hanggang kabagin at mautot tayo ng paulit-ulit.

Iiyak pa din tayo. Tears of joy.

Maghaharutan pa din. Ng parang mga bata.

Tatanggap pa din ako ng sumbong mo tungkol kay Tine. Haha!

Hindi pa din tayo mag-aaway., kasi magkakampi na tayo forever!

Sana lagi ka lang masaya.
Laging healthy kahit minsan lahat tayo, walang pera. Haha!
Ang lovelife, laging siksik, liglig at umaapaw.
Sila naynay at taytay, sana healthy lagi
Si Beking Mosang, lagi ka sanang mapasaya.

Kung magtrotropa man ang tatay ko, bio-dad ni Tine at si Alie sa langit, sana huwag nila tayo ilaglag sa mga kalokohan natin.

Ayon. Na-mi-miss na kita.

HAPPY BIRTHDAY!
Matatanda na tayo, hindi na uso yung contribution para bumili ng birthday gift gaya nu’ng college! Haha!

Gaya ng dati, I LOVE YOU, TSONG! PA-KISS NGA!

20120920-084523.jpg

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s