Topak


Naniniwala akong lahat ng tao, may kanya-kanyang topak.

Iba-iba lang ang degree at severity.

Kapag si mama-in-law ang tinotopak, lagi lang siyang wala sa mood makipag-usap. Malamang masama ang pakiramdam o sinusumpong ang migraine niya.

Kapag si mama ang tinotopak, pati kasalanan ko nu’ng Grade 1 pa ako, kaya niyang alalahanin at ungkatin. Pati pag-ulan, pagkulog at pagkidlat, isisisi niya sa amin. Hahaha!

Kapag si husbandry ang tinotopak, mas makulit siya. Parang bata, tanong ng tanong. Paulit-ulit. Mga walang kwentang tanong. Mga tanong na alam naman niya ang sagot.

Kapag si Enzo ang tinotopak, ang gusto lang, kalong at i-baby pa siya ng sobra-sobra.

Kapag ako ang tinotopak, in denial ako lagi. Haha. Lagi kong sinasabing hindi naman ako tinotopak, guni-guni lang nila yon. Ewan kung bakit.

Ang hiling lang daw ng asawa ko, huwag daw sanang dumating ang araw na sabay-sabay kaming topakin. Kasi kahit pakaliwa ang topak ng nanay ko at pakanan ang sa nanay niya, pa-Norte ang kay Enzo at pa-South ang sa akin, natatakot daw siyang baka magsalubong ang topak naming lahat. Hehe.

Ikaw, ano’ng topak mo?

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s