Lamok. Bangaw. Richard.


Richard.

Siya ang dating HR Assistant ng NR. Sa sobrang close namin, pwede siyang mapagkamalang tatay-tatayan ni Enzo. Paano, pag-alalay ni Peewee Boy sa akin pasakay ng shuttle tuwing alas-siyete ng umaga sa Ayala, ay bibilinan na niya si Richard ng, “bahala ka na brod.” Araw-araw yun.

Pagtuntong namin sa shuttle, tabi pa kami sa upuan. Unahan kami sa pag-idlip at pag-gising. Haha. Badtrip kami sa paraan ng panggigising ng isa’t-isa! 😉 Pag-uwi, ganun ulit. Pero unahan kami sa pang-uuto sa driver kung sa Ayala ba idadaan, para mas malapit sa uuwian niya, at magtatatlong sakay ako; o sa Market!Market!, para isang sakay na lang ako, at sa EDSA naman siya bababa. Madalas, panalo ako! Hahaha!

Pagdating sa opisina, laging kami ang mahilig mag-aya mag-almusal kay Ate Malou. Madalas, marami kaming naaya.

Nu’ng buntis ako, kulang nalang sabunutan niya ako sa tuwing mag-cra-crave ako ng kung anu-ano: Cheetos na twisted, home-cooked Pancit Canton, hot pan de sal ng alas quatro ng hapon, pinyang matabang, extremely salty na Piatos, seafood sisig at madami pang iba!

Pero mabait si Richard. Kahit minsan, hindi siya tumanggi, at madalas, nagagawan niya ng paraan yung mga hiling ko. Ng libre. Walang bayad. Yahooooo!

Si Richard din ang naging partner ko sa isa sa pinaka-challenging na challenge ko sa trabaho. Haha. Luha-tawa-inis-asar-luha-pawis-luha-luha-luha. Ganyan yung naging cycle nung challenge na yon. Extra extra challenge pa sa kanya dahil kailangan niyang pakisamahan ang 5 buwan kong tiyan nung mga panahon na yon. Haha!

Madalas din, kami ang pinagpapartner para mag-host o mag-emcee ng mga company events. Natural kasi ang chemistry namin. Spontaneous. We can finish each other’s lines. Magka-level kami ng energy. Walang papatalo. Para kaming shabu at toother. Yosi at lighter. Bagoong at mangga. Lamesa at silya. Toyo at kalamansi. Ganun.

Sa sobrang close namin, muntik kaming mapa-hospital hopping ng asawa ko sa paghahanap ng isang uri ng Ig Shot nung 6 na buwan akong buntis. Naging suspected Measles patient kasi si Richard. Negative naman.

Siya din ang pinaka-unang empleyado ng NR na dumalaw sa akin sa ospital nung manganak ako. Nauna pa sa boss ko eh!

Nag-iisang lalaki si Richard sa department namin, isa siyang manoy, Bikolano. Paborito namin ang laing at sinantol ng nanay niya. Yummmmmm!

Balde-baldeng luha ang umagos isang araw nu’ng April 2011. Hindi niya ako tinignan sa mga mata nung araw na yun. Hindi kami nag-usap. Hindi kami nagtabi sa shuttle pag-uwi.

Kinabukasan na kami nag-usap. Kung balde-balde ang iniluha namin, halos kabagin at mautot, mautot at kabagin naman kami habang nag-uusap. Para daw kaming tanga. Basta. Biglang sumaya na ulit.

May girlfriend nga pala si Richard. Miming ang tawagan nila. Limang taon na din sila halos. Flight Attendant si Miming. Rodriguez din ang apelyido niya. Pero hindi kami sigurado pareho ni Miming kung mag kamag-anak kami.

Bakit nga ba si Richard ang naisip kong isulat?

May talento kasi kami ng asawa ko na manghuli ng lamok ng isang kamay lang ang gamit. Hindi palakpak system. Parang kaway lang.

Inggit si Richard dun. Ay hindi, impressed pala. 😉 Sinubukan niyang aralin yung ganun. Sa tuwing may makikuta siyang lumipad, huhulihin niya. Haha. Kahit magmukha kaming tanga sa pag-uunahan.

Nung minsan, may lumipad sa harap nita. Buong lakas, siksik, liglig at umaapaw, hinuli niya ng kanang kamay. Nasabik kami pareho. Dahan-dahan niyang binuksan ang palad niya at namutla sa nakita. Bwahahahaha! BANGAW.

Hindi niya malaman kung isusumpa muna niya ako o tatakbo na siya para nakapaghugas ng kamay. Haha.

nakakita akong lamok sa labas ng bahay, sinubukan kong hulihin, naalala ko si Richard. ;D na-miss nanaman kita! 😉

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s