Pipilitin mas maging masama


Dearest Anak,

Maraming masamang tao sa paligid. Maraming naglipanang masamang kaluluwa. Mga taong walang pakielam sa nararamdaman at mararamdaman ng ibang tao.

Kadalasan, sila yung nagtatagal pa sa mundo. Kaya naman mas dumarami pa ang biktima nila, at kung sino yung tunay na mababait ang siyang unang kinukuha ni Lord.

Si Ninoy Aquino, Dolphy, Sec. Robredo, ang papa ko na lolo mo. Ilan lang sila sa mga sinasabi ko.

Sabi nga ni Blacjack, “ang bait mo naman, sana kunin ka na ni Lord.”

Hindi ko sinasabing naging mabuti akong tao sa nakaraan, lalo nu’ng wala ka pa sa buhay ko.

Hayaan mo, kung kailangan kong pilitin na mas maging masamang tao, para hindi pa ako kunin agad, gagawin ko.

Para ingatan ka.
Para bantayan ka.
Para alalayan ka.

Ganun kita kamahal.

hehe siyempre joke lang yan, gawa ng napakataba kong utak. Pero, JOKES ARE HALF MEANT. 😉

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s