Hagupit ng Habagat


Matindi ang inabot na pinsala ng hagupit ni Habagat.

Maswerte kami sa barangay namin sa Pateros at hindi kami binaha. Pero ayon sa mayor namin, 9 out of 10 barangays are already flooded. Imagine yung swerte namin!

Marami din akong kaibigan at kamag-anak ang nalubog sa baha. Sa ngayon, ang tanging nagawa ko para sa kanila ay ang tumawag sa iba’t-ibang agencies para humingi at mapadalhan sila ng tulong. Hindi kasi nagkaroon ng power outage dito. Pati signal ng landline at postpaid line ay hindi naputol. Pati ang tubig. Yun siguro ang ginawang way ni Lord para makatulong ako. Effective naman ang pag-call at text brigade ko.

Nu’ng mag-suspend ng trabaho nu’ng Tuesday, hindi nakauwi agad ang mister ko. Una, nagdesisyon daw ang mga amo nila na maiwan sila (5 daw sila) sa opisina dahil mas masarap daw magtrabaho sa opisina kapag tahimik. Nakakagigil. Pero utos ng amo, wala daw siyang magawa.

Nu’ng bandang alas-tres ng hapon, halos hindi na daw tumigil ang tawag ng mga kasamahan niyang binabaha na ang mga bahay. Ganun din yung mga ‘informal settlers’ sa likod ng isang planta nila sa Ortigas Extension. Binigyan siya ng go signal ng mga amo na dalhin yung 10, yes, 10 nilang rubber boats at life vests para i-evacuate yung mga tao sa likod ng planta at yung mga ka-opisinang binaha.

Grabe ang kaba ko. Gustuhin ko mang maya’t-maya siyang tawagan para mai-check ang kalagayan, kelangan niya din tipirin ang battery ng phone niya, at sobrang busy na. Lahat na yata ng santo natawag ko to make sure he’s safe.

Dito ko sa Pateros pinauwi yung kapatid kong nagtatrabaho sa Libis dahil wala siyang dadaanan pauwi. Lubog ang Fairview. Atleast bawas alalahanin. Wala ding humpay ang tawagan namin nila mama na hindi din binaha , although yung lower part ng subdivision namin is already flooded. Buti nalang pareho kaming may stock ng pagkain, may inuming tubig, may mga rechargable batteries, flashlights. Ibinilin din ni mama na pag-isahin ko na sa resealable plastic lahat ng mga documents namin – birth, marriage & baptismal certificates, CENOMAR, diploma, seminar / training certificates, TORs. Ganun din ang mga wallet, ID at cash. At 4 pm, nakapagluto na kami ni mama (siya, sa Bulacan) ng dinner, at ng food for the next day. Just in case.

Tapos yung mga tagas ng bubong namin, nagtuloy-tuloy. Para na siyang wiwi ni Enzo sa lakas. Since nakakatakot umakyat ng bubong dahil sa hangin, kahit may vulcaseal pa, I used Enzo’s diaper para saluhin yung tubug sa mga tagas. A diaper lasted only for 6 hours. May kahati pa tuloy si baby sa diapers.

As of writing, wala ng ulan. Andito pa din si sisterette. 2 days na daw walang tubig kila mama. Nasa relief operations naman ngayon ang asawa ko. May mga kaibigan pa ding nagpapatawag sa mga government agencies para sa relief goods.

Kung naka-bangon tayo sa Ondoy, kakayanin natin to.

Bangon, Pilipino!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s