Usapang Payslip. Usapang Pera.


20120623-143857.jpg – NR

Kadalasan, ang PAYSLIP ay nagiging ala-ala nalang ng nakaraan. Hehe. Nakaraang sweldo.

Pero sa katotohanan, ang payslip ang patunay na ginagawa ng employer ang mga alituntunin niya sa mga empleyado nila.

Halimbawa, doon makikita kung sapat o tamang halaga ba ng sweldo ang natatanggap. Doin din makikita kung nakakaltasan ang empleyado ng statutory benefits nila – SSS, PAG IBIG, PHILHEALTH, mga kaltas sa absences at tardiness, at ang pinakamasakit, ang TAX.

Sa MDC ko natutunan na mag-ipon at itabi ang mga payslip. Salamat sa mga daily paid workers na mahalaga ang bawat sentimong pinagpawisan. Kwentado nila ang bawat segundong inovertime nila.

Natutunan ko ding aralin ang payslip para sa Tax Withheld at Tax YTD para magkaroon ako ng idea kung magkano na ang nai-contribute kong tax sa gobyerno, at kung may maasahan akong tax refund pagdating ng Abril o Mayo. Woot!

Sa pag-iipon din ng payslip natauhan si Peewee nu’ng hindi pa kami mag-bf/gf patungkol sa pag-absent at pagpasok niya ng late. Nu’ng nakwenta namin ang nawawala sa kanya dahil sa kaltas, ay unti-unti siyang nag-improve, bukod sa mas naging excited siyang makita at makasama ako sa opisina, haha!

At dahil payslip na din ang usapan, napagkatuwaan naming magbuklat ng payslip namin mula sa dati naming pinagtatrabahuhan sa kasalukuyan. Sa akin naman, payslip ko sa NR.

Nakakakilig tignan ulit yung payslip ko. Sa tingin ko dapat lang na lahat ng mga nurses ay tumatanggap ng ganun sa bawat kinsenas dahil na din sa hirap ng trabaho namin. Salamat din sa NR dahil binigyan ako ng disente at nararapat na kabayaran sa serbisyo ko.

Para sa mister ko, nawa’y tuloy-tuloy ang pag-unlad ng payslip mo. Haha! 🙂

O ikaw, mag-iipon ka na din ba ng payslip?

Patawa lang: kapag ako naging pangulo ng Pilipinas, ipag-uutos ko na pwede ng ipa-encash sa bangko ang mga payslip na naipon. Haha!

20120623-144013.jpg – kasalukuyan at 3 taong nakakalipas 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s