Hanggang saan ang paghingi ng pabor?


Bilang amo, hanggang saan lang ang limitasyon mo para humingi ng pabor na labas sa job description ng tauhan mo?

At kung sakaling sumablay yung pabor na hiningi mo, marapat bang sisihin at ibuntong sa empleyado mo yung sablay na yon?

Palagay ko, hindi.

Ang tanging nais ng isang empleyado ay ang magawa ang mga tungkulin niya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya ng buong puso. Iyong tipong masasabi ng mga amo na sulit ang ibinabayad sa kanya, habang umuunlad siya bilang tao, at unti-unti nakakamit ang pangarap. Bilang empleyado, ang pangarap niya ay unti-unting matupad ang mga hangarin niya sa buhay ng katuwang ang kumpanyang nag-hire sa kanya.

Kung magtiwala ang amo sa isang empleyado na kaya niyang gawin ang isang bagay na hindi nakasaad sa papeles o kontrata niya, na ibig sabihin ay labas sa trabaho, bonus nalang siguro yon.

Ang magsilbi at magpasaya ng amo ay isang malaking tungkulin ng empleyado, oo. Pero ang magsilbi sa amo para sa personal gains (ng amo) ay ibang usapan na. Lalo kung naapektuhan at kinakain ng oras niya sa normal na trabaho ang mga personal na pabor na yon.

Sana magkaroon ng linaw yung hangganan ng paghingi ng pabor at pagbibigay ng utos ng amo na patungkol sa trabaho.

Ayun lang.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s