Talaga to si Lord!


Dalawang taon na akong nakikipaglaban sa timbang ko.

100kilos o 220lbs lang naman ako nung nanganak ako kay bee nu’ng 2010. Haha. Katumbas ang halos 2 tao na may medium built.

Sobrang pagtitiis ang ginawa ko para umabot sa pangkasalukuyan kong timbang. More than half na yung nabawas. Proud naman ako dun. Pero kelangan ko pang magbawas ng 9kilos o 19.8lbs para marating ang ideal weight ko, at 10kilos o 22lbs para sa pre-pregnancy weight.

Minsan napapagod na ako mag-exercise at nagugutom na ako kaka-diet. May mga cheat days naman ako.

Narating ko na din ang ‘plateau’ stage. Yung tipong gamay at sanay na yung katawan at systema mo sa mga pinag-gagagawa mo at ayaw na niya mag respond. Nagsimula yon nung nakaraang December. Sobrang bumagal ang weight loss ko at mas tumakaw ako (o dahil festive lang talaga ang season).

Walang halong biro, kagabi, isinama ko sa dasal ko na sana wag ako mawalan ng will at drive sa pagpapapayat. Hindi ko gustong pumayat para lang maisuot ulit yung mga dati ko ng isinusuot kundi dahil mas gusto kong maging mas healthy.

Kausap ko yung endocrinologist ko kanina (ang matiyagang nag-alaga sa akin dahil sa inakala nilang ako ay may gout, wala naman), dahil yung blood chem ko nu’ng February, kanina ko lang nadala ang resulta sa kanya.

Ang uric acid? Very good! 292m mol/l ang result, normal: 142-339m mol/l. Ang sugar? 5.82m mol/l ang result, normal: 3.89-5.84m mol/l. Hahay! Naka-12hr fasting pa ako no’n. Mas mataas pa ang sugar ko ngayon kesa nu’ng buntis ako (na sopdrinx at icedtea lang ang ininom nu’ng first tri).

Ang saklap naman. Nagbawas na ako sa maalat, pati sa sugar, magbabawas din. Lalo’t may history ng DM sila papa.

Ano’ng konek nito sa pagpapapayat ko? Mas kelangan ko pang pagbutihan ang pagtakbo, pagtalon, pagsayaw-sayaw at pag-dyi-dyeta. Within normal limit pa din naman ang resulta, ang hirap lang lumagpas.

Sinagot agad ni Lord yung dasal ko. Hindi pa ako pwedeng mapagod sa exercise at magutom sa diet. Mas kailangan ko siya ngayon.

Kaya ayon. Good luck na matindi sa akin. Konti nalang. Mga tatlo’t kalahating tumbling pa! 🙂

Advertisements

4 thoughts on “Talaga to si Lord!

  1. Sobrang hirap mag diet, sana lang di dumating sa punto na kailanganin ko ding iwan pansamantala ang matatabang pag kain, ayokong mawala ang pribelehiyo ng pag kain. Dahil biik (piglet) ako nung past life ko, di ganun kadali yun, dahil ang purpose lang naming mga biik sa mundo ay kumain ng kumain. Goodluck sa diet mo patingin ng before and after na photo pag na achieve mo na. :p

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s