Hindi na masaya ang buhay may asawa :(


Ang pag-aasawa ay hindi parang mainit na kanin na kapag napaso ka ay pwede mong iluwa.

Lumang-luma na ang kasabihan na yan. Kaya naman lubha akong nalulungkot sa kwento ng isang kaibigan patungkol sa buhay may asawa niya.

Young couple din sila, gaya namin. Ang pinagkaiba lang, matagal silang naging mag-boyfriend/girlfriend bago lumagay sa tahimik, hindi gaya namin ng asawa ko.

Masaya naman daw ang simula ng pagsasama nila bilang mag-asawa. Pareho silang may magandang trabaho at disente ang kinikita.

Nu’ng nabuntis na ang kaibigan ko, nagdesisyon silang mag-asawa na titigil na siya sa pagtatrabaho para mapagtuunang mabuti yung sinisimulan nilang pamilya.

Ideal family sila para sa akin. Madasalin, walang linggong lumalampas na hindi nagsisimba, aktibo sa simbahan, Diyos ang naging sandigan ng buhay nila.
Mahal na mahal sila ng kanya-kanya nilang pamilya. Kinakainggitan sila ng marami dahil sa saya sa mga mukha nila.

Nitong mga nakaraang buwan, bigla nalang nagbago ang lahat. Walang malinaw na rason pero hindi na daw masaya ang kaibigan ko. Hindi na daw niya maramdaman yung kilig na minu-minuto nilang pinagsasaluhan ng mister niya nung hindi pa sila kasal.

Sabi niya, para nalang silang mag housemate. Ipaghahanda niya ng pagkain, pagsisilbihan, ibibigay lahat ng pangangailangan. “My being a wife is now worse than being an employee to an employer, a staff to my boss”.

Ni hindi na daw niya matandaan kung kelan sila huling nag-‘make love’, nagpalitan ng iloveyou, nanood ng tv ng magkayakap, kumain ng sabay na nagsusubuan pa, naglakad ng magka-holding hands.

Hindi na daw siya masaya. Hindi niya daw ginagawa ginagawa yung mga responsibilidad na yun dahil sa gusto niya o dahil sa alam niyang ikasasaya ng asawa niya yun, kundi dahil kailangan niyang gawin. May umaasang DAPAT gawin niya yung mga yun.

Hindi na daw sila nag-uusap bilang mag-asawa; walang sweet nothings, walang kamustahan ng araw, walang plano para sa future. Ang pinag-uusapan nalang nila, due date ng mga bills, pera, at ang tungkol sa anak nila.

Umabot na sa pagpapa-imbestiga ang kaibigan ko kung may ibang kinalolokohang babae ang asawa niya. Negative. Sinimulan niya din i-snoop ang mobile phone at email addresses ng mister niya. Negative pa din. Dagdag pampa-guilty pa tuloy.

Pinipilit niyang intindihin ang demands ng trabaho ng mister niya, dahil malinaw sa kanya na ginagawa ng mister niya ang sobrang pagsisipag para sa maalwang buhay para sa kanilang pamilya.

Sabi ng kaibigan ko, she feels neglected and taken for granted. Sinubukan niya naman daw mag reach out sa asawa niya- inaya niya ng mag date ng silang 2 lang para makapag usap, shut out pa din ang mister niya.

Ngayon, sa tuwing mangangarap siya, hindi na kasama ang asawa niya. Laging silang 2 nalang ng anak niya. Ang mga plano niya, pandalawa, hindi gaya dati, pang tatlo lagi.

She started reading The Family Code of the Philippines and has already mastered the Solo Parent Act. She’s equipped herself of what she has to do and prepare in case they part ways.

Sana daw nambababae nalang ang mister niya, kahit paano daw kapag ganon, mas clear ang reasons kung bakit siya nasasaktan. Hindi niya daw maipaliwanag yung sakit na nararamdaman niya dahil parang nag fall-out-of-love na silang dalawa. Nabalewala na yung pundasyon ng pagsasama nila sa ilang taong naging mag-bf/gf sila.

Nagsisimula na din siyang nagsisi na nagpakasal siya. Napakarami pa daw sanang oppotunities para sa kanya, pero pikit mata niyang tinalikuran lahat yun para magsimula ng buhay kasama ang mister niya. Kung hindi pa daw siya nag asawa, baka nalibot na daw niya ang mundo, nabili ang lahat ng gusto niya, nakamit na yung posisyon sa trabahong pinaghihirapan niyang makamtan bago magbuntis, at hindi siya nasasaktan ng ganito.

Sentimiyento ng kaibigan ko, hindi naman daw talaga yung married life niya ang nasisira, kundi yung buhay ng anak nilang walang kaalam-alam sa mga nangyayari, ni hindi daw maipagtatanggol ng anak niya yung sarili niya sa sakit na posible niyang maramdaman kapag natapos ang lahat sa pagitan ng mga magulang niya.

They still pray together. Yes.
They still pray that may God continue to bless their family, that theycontinue to love each other, and may they continue to be a blessing to each other.

Kaya bukod sa emotional pain na nararamdaman ng kaibigan ko, parang niyayanig na din daw ang faith niya sa Kanya. Nagsisimula na niyang kwestyunin yung minsang naging sandalan nila.

Nakakalungkot. Nakakatakot.
Natatakot akong mapunta sa parehong sitwasyon.

Mas pinili kong huwag magkomento ng kahit na ano sa mga ibinahagi ng kaibigan ko, dahil ayokong madagdagan pa yung iniisip niya. Mas pinili kong makinig at ipadamang andito lang ako para sa kanya.

Hay.

Ang pag-aasawa ay hindi parang mainit na kanin na kapag napaso ka ay pwede mong iluwa.

Advertisements

2 thoughts on “Hindi na masaya ang buhay may asawa :(

  1. Akala ko pag ka silip ko nung Title me marriage crisis ka, lagi din sakin sinasabi ng ermats ko yung kasabihan na tungkol sa mainit na kanin, basag na plaka na pero totoo din talaga.

    1. Gusto ko lang magpapansin kata ginawa kong ganun ang title. Hay makinig ka sa ermats mo. Tapos namnamin mong mabuti, sa isip, sa salita at sa gawa. 🙂

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s