Matagal na nailihim tong kwentong ito


August 2009 unang nangyari.

Habang nagbu-busy-busyhan ako sa NR, may natanggap akong text mula sa isang smart number. Ang sabi?

Walang hiya ka! Hinding hindi ka sasaya kay Peewee dahil kami ang nakatadhana. Kami ang nakasulat sa kwento. Kung hindi ka dumating sa buhay niya, ako dapat ang pipiliin niya. Kami dapat ngayon. Masyado na akong maraming isinakrpisiyo para sa kanya. Hindi ka sasaya!

Duwag tong nag text. Hindi nagpakilala. Ayaw sumagot kapag tinatawagan. Sana man lang nakapag chikahan kami kahit konti.

Nagpahinga siya ng dalawang taon. Nung August 2011, may masamang hangin nanamang nalanghap, at muling nagtext. Sun naman ang sim na gamit.

Gaya ng dati, sinisisi niya ako sa heartbreaks niya dahil kay Peewee. Ang pinagkaiba ngayon, gagawin daw niyang miserable ang buhay ko.

Alam niya ang past at present history ng love story ng asawa KO. Mula sa highschool lovelife, sa longest girlfriend, sa ex-fiance, sa number 2 during ni ex-fiance, mga reasons of break up, mga reasons of misunderstandings. In fairness, ha! Yung iba, hindi pa nakwento ni Peewee sa akin, kay texter ko na lang nalaman.

Away na matindi ang nangyari sa amin ni texter. Antanga ko kasi pumatol ako. Na-satisfy ko ang ego niya. Oh well…

September 2011 nanumbalik si texter. Ibang sun number ulit ang gamit. Para siyang storyteller, dahil ang issue naman niya, yung present ni Peewee. Hindrance daw kami ni Enzo sa mga pangarap ni Peewee. Kahit ano daw ang gawin ko, hindi daw ako magugustuhan ng mga inlaws ko-parents, siblings, cousins, tito&titas, lolo&lolas. Nababasa niya ang isip nila? Ewan.

May mas matinding pagbabanta din mula sa kanya. Wag daw akong masyadong matapang. Napakaliit ko daw na babae, antapang tapang ko. Alam niya lahat ng kilos ko na parang nakikita niya ako from afar, o may nag-fi-feed sa kanya ng mga ginagawa ko na nasa paligid lang din.

Natakot ako para sa safety namin. Baka minsang lumabas kami ng bahay eh hindi na kami makauwi. Alam ni texter ang activities naming pamilya. Alam niya ang employment history namin ni Peewee. Bantay sarado talaga.

Ang kaso, tanga pa din si texter.

Maraming salamat sa mga koneksyon namin sa sun. Nag request kaming itrack ang tower ng pinanggagalingang signal nung 2 sun numbers. Natrace naman. Yung isa, sa Makati. Yung isa, secret. Masyado ng madaling hulaan kung sino kapag sinabi ko pa.

Inamin na namin sa sun kung bakit namin pinatrace.

Nag-offer sila ng assistance para mag file ng kaso sa NTC (National Telecommunications Commission). We declined. Bakit? Naawa kami sa MGA TAONG posibleng gumagawa nun sa amin. Ipinagpa sa Diyos nalang namin si texter, at umaasang manahimik na siya.

Bukod sa mga not-so-anonymous texts, maraming beses na din akong nakatanggap ng mga email. Puro threat. Yung 2 email addresses, kahit comatose siguro ako, malalaman ko kung sino yung nagpadala. Lantaran niya akong tinatakot. Pota! Hindi kasi tanggapin nalang ang kapalaran niya.

Ganun din si Peewee. Kung ilang beses may nagmakaawa sa kanya sa email para iwan ako, at ilang beses akong siniraan.

Epic fail.

Lahat ng sinabi niyang negative tungkol sa akin, kahit magka amnesia si Peewee, alam niya ang totoo.

At kaya siguro parang sasabog ang dibdib non sa galit kasi hindi siya nag succeed.

Ako ang pinakasalan.
Ako ang gumagamit ng apelyidong RODRIGUEZ.
Ako ang may Enzo.
Ako ang inuuwian gabi-gabi.
Ako ang tumatanggap ng sinu-surrender na sweldo.
Ako ang makakasama habang buhay.
Ako ang minahal , minamahal, at mamahalin.

Siguro it’s safe to say na they really weren’t meant for each other.

For two years, my husband and I have proven that we are willing to do everything to stay true to our vows. Nobody told us that it’s gonna be easy, but since we have each other, kahit ilang texts, o email pa ang matanggap namin, we are ready to face it, hand-in-hand.

Sa nanggugulo, huwag mo sana maramdaman yung sakit at abalang nararamdaman namin sa tuwing aariba ka. May God bless you a thousand fold, PARANG KAMI.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s