Pasimpleng Child Labor


Nakita ko tong mga batang ito sa jeep na nasakyan ko biyaheng Guadalupe EDSA kanina. Napraning pa ako dahil akala ko mga ‘mandurukot’. Buti na lang sumigaw yung babae na nakaupo sa harapan ng jeep sa tabi ng driver ng, ‘lintek kayong 2, tumigil kayo ng harutan, natatakot ang pasahero sa inyo!’

Sumagot yung batang babae ng ‘ang kulit kasi mama eh!’ confeeeermed! Anak sila nung babae, at tatay nila yung driver.

Yung 2 bata ang nangungulekta ng pamasahe sa mga pasahero.

Nakakagalit.

Kasi ang liliit pa nila.

Paano kung ma-out-of-balance sila habang naniningil at mahulog sa jeep?

Napakausok ng jeep nila! Smoke belcher talaga! Hindi ba naiisip ng mga magulang nilang pwede magkasakit sa baga ang mga bata?!

Napakainit ng panahon! Kung ang matatanda nga, susuko sa init, ang mga bata pa?!

Imbes na masayang nakikipaglaro ang mga bata kasama ang mga kapwa nila bata, ay simpleng child labor ang nangyari.

Bawas hassle nga naman para sa driver ang maningil. Mas makakapag focus siya sa barumbado niyang pagmamaneho.

Nakakagalit talaga.

Naisip ko lang, 2 pasahero agad ang nawawala sa pwedeng kitain ng jeep na yon. Sampung piso isa ang pamasahe mula Pateros hanggang Guadalupe. Sa isang back-and-forth, Php 40.00 agad ang nawala. Sabi ng isang kakilala, nakaka-5 hanggang 6 na balik sila sa maghapon. 240.00 na sana yun. Pambili ng isang araw na pagkain.

Naiisip din kaya yun nung mamang driver?!

20120320-214515.jpg

Advertisements

2 thoughts on “Pasimpleng Child Labor

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s