TIYA: ang milyonaryang no read, no write


20120309-110523.jpg

Siya si TIYA.

Panganay na kapatid ng papa ko.
Nena ang totoo niyang pangalan.
Hindi ko alam kung bakit tiya ang tawag namin sa kanya, samantalang auntie naman sa iba.

Hindi nakapag-aral si tiya.
Kahit minsan, hindi nakatungtong ng paaralan.
Mahirap daw kasi ang buhay nila sa probinsiya (Abra) dati.
Bilang panganay, kailangan niyang tulungan ang lolo at lola ko sa pagtatrabaho.
No read, no write, ‘ika nga nila.

Napakasungit niya sa iba. SNOOKY nga ang tawag ng mga kapitbahay sa kanya dati. Hehe. Pero kapag naglambing, at sa pag-aalaga, wala kang masasabi.

Siya ang nagpa-aral sa papa ko mula gradeschool hanggang college.
Namasukan siyang kasambahay sa isang pamilya sa La Loma, QC.
Nu’ng mamatay ng sabay ang mga magulang nila, pinaluwas niya si papa sa Maynila at nakiusap sa mga amo na tumira sa kanila. Pumayag naman. Kaya sa QC din kami lumaki ng kapatid kong babae.

Maagang nabiyudo ang among lalaki ni tiya. May 4 na anak yon, highschool pa lang yung panganay ng maulila sa ina.

Si tiya ang tumayong nanay-nanayan nila – uma-attend sa mga school meeting, taga-payo, umaakyat sa entablado. Sundalo ng mga Kano an among lalaki ni tiya kaya madalas wala.

Hindi lumaon, kinailangan magretiro ng amo niya at manatili sa bahay. Paglipas ng panahon, sila din ang nagkatuluyan. Ikinasal sila nu’ng 30 years old na si tiya.

Registered Nurse at nagtatrabaho na sa Illinois yung panganay ng mga time na yun. Ipinetisyon niya ang tatay niya. Pagkalipas ng 2 taon, naipetisyon din si tiya.

Lumaki kaming Uncle Kalbo ang tawag sa napangasawa ni tiya. Si Uncle Kalbo ang one true love niya. First and last boyfriend. Nakakalungkot lang, hindi sila nabiyayaan ng sariling anak.

Si Uncle Kalbo ang nagturong magsulat ng pangalan kay tiya. Cursive ng buong pangalan niya, yun na din ang pirma.

Halos sampung taon din nanirahan si tiya at uncle kalbo sa Chicago. Habang nanduon, nag-nanny siya, minsan, 4 na bata sa isang araw, puro part time para daw makarami. Kung anu-ano binibenta niya sa mga pinoy doon, para maka-extra ng kita. Oo, sa US siya tumira pero ang lifestyle niya, hindi nagbago.

Matalino sa pera si tiya. Habang nandun, nakapag pundar siya ng CAR POOL o rent-a-car services. Nagsimula sa isang MB 100 van, naging 2, 3, 4. 3 tourist buses. 5 trailer trucks. Sandamakmak na imported na cook ware. Napakaraming toys. Mga gamit na mas mahal pa yung binayaran niyang ‘air tax’ kesa sa total ng halaga ng mga gamit ng iuwi niya dito. Ganun kadami. Milyon-milyon sa bangko.

Hindi niya alam ang itsura ng mga numero. Tinatandaan niya lang ang denomination ng pera sa pamamagitan ng kulay. Ganun siya magbilang.

2002 ng mamatay si uncle kalbo.

Dun na nagkaloko-loko ang lahat.
Bilang legal na asawa, sa kanya mapupunta ang majority ng naiwan ni uncle kalbo, yun din ang nasa testamento.

Hindi pumayag ang mga anak.
Unti-unti, nawala ang mga ipinundar niya.

Hindi niya maipaliwanag kung paano, ang alam lang daw niya may mga pinapirmahan sa kany.

Bilang kapatid ng tatay ko, masakit para sa kanya na ginaganun ang ate niya. Pagkatapos niya nga namang alagaan at ituring na sariling anak, eh wawalangyain pa siya.

2004.

Nagdesisyon ang tatay ko na sa amin na tumira si tiya sa Bulacan. Halos wala na siyang natirang pera sa bangko noon. 2 MB van lang ang pinadala ng mga anak-anakan niya.

Naging malaking sakit sa ulo nung mga sasakyan. Hindi kasi inalagaan. Laspag na laspag. Isinugal ni tiya yung natitira pa niyang pera sa bangko para ipaayos yung 2 sasakyan.

Mabait ang Diyos sa kanya. Unti-unti nakabangon. Siya na ang nag-pa-aral halos sa akin nung mag-3rd year college ako.

Sumubok pa siyang mag abroad ulit, pero dahil na din sa edad, isang buwan lang siya tumagal don. Umuwi din. Mamatay daw siya sa lungkot.

Pag-graduate ko ng college, nangako siya ng Tag Heuer na relo bilang regalo. Sobrang excited ko nun. Ang kaso, nasunog ang budget para sa relo dahil hindi kaya ng budget ng nanay at tatay ko ang bayad sa review center. Napunta sa review ang pambili ng relo. Sulit naman, pumasa ako sa first take. Pumasa ako ulit sa second take. 2006 kasi ako nag-board, ang taon ng Nurse Licensure Examination LEAKAGE, taon ng mga mandaraya at makasariling tao.

Balik tayo kay tiya.
Sa ngayon, sa Abra na siya ulit nakatira, mag-isa.
Ayaw naman niyang sa amin nalang ulit.

Doon, ang simple ng buhay niya.
Tanging mga halaman- upo, talong, ampalaya, kalabasa, okra, sunflower, malunggay, saging, kawayan, mangga at narra ang nasa bakuran niya.

Meron din siyang alagang bulugang baboy na pinagkakakitaan niya ang mga biik, mga native na manok at isang aso.

Secured pa din ang pamumuhay niya don dahil may mga naiwan pa siyang farm lands.

Pahabain pa nawa ni Lord ang buhay ni Tiya.

At! Pareho sila ng birthday ng baby ko. ๐Ÿ™‚

Sana maging inspirasyon niyo din ang Tiya Nena ko. Milyonaryang NO READ, NO WRITE.

* ang kasama niya sa picture ay ang pamangkin kong si bella, magkamukha sila no? ๐Ÿ™‚

Advertisements

4 thoughts on “TIYA: ang milyonaryang no read, no write

  1. OK, Partida binasa ko to nang buong buo na nasa likod ko lang boss ko, :c nalungkot ako bigla na miss ko tuloy lola ko :c asa probinsya sa dahil dito tatawagan ko sya mamaya, pwedeng pang maala ala mo kaya tong kwento ni TIYA. pwede syang maging inspirasyon.

    1. Una, congrats at nakalusot ka sa boss mo. Ingat sa screenshot ๐Ÿ™‚ pangalawa, ikamusta mo ako sa lola mo. Pangatlo, inalok na namin siya dati sa MMK na yan, ayaw daw niya ng publicity. Hehe.

      1. PANG APAT pag na screen shot ako sisikat yung blogsite mo sa MIS dept namin, pang lima magkakaroon ka ng mga ads, pang anim yayaman ka, PABALATO nalang hehe

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s