Mahadera si Doc!


Itinakbo ang pamangkin ng mister ko sa pinsan na pamangkin ko na din (hehe) sa ospital.

Eto muna ang nangyari, pag-uwi ko kaninang alas-kwatro (wag ng mang usisa kung saan ako galing), sinalubong ako agad ng biyenan kong lalaki, dahil dumugo daw ang ilong ng bata. Pagpasok ko ng bahay, andun din yung nanay niya, may hawak ng bimpo na basa. Galing daw kasi sila sa labas, kaya in-assume ko na agad na baka sa init lang. Pinalagyan ko ng yelo yung bimpong ilalagay niya sa noo ng bata, saka pinayuko. Sabi ko din, pumasok na yung bata sa kwarto at mag bukas ng ACU. okay.

Pagdating ng biyenan kong babae ng bandang alas-singko, kumatok siya sa bahay at sinabi nga ang nangyari sa bata. Sinabi ko yung mga pinagawa ko. Saka lang niya nabanggit na nilagnat ang bata apat na araw na ang nakararaan. Sabi ko naman, dahil sa tonsilitis kaya nilagnat. Um-ok naman. Maya-maya, bumalik siya ulit. Natatakot daw siya baka Dengue. Natakot na din ako. Hawa-hawa na ang takot.

May bagong strain kasi ng Dengue mosquito na hindi na 3 consecutive days na intermittent ang fever. Bakit namin alam? Head MedTech ng Pateros ang biyenan ko, talo pa niya si Pnoy sa mga updates ng DOH. kaya ganon.

Napagdesisyunang dalhin ang bata sa ospital, sasamahan ng biyenan ko ang nanay ng bata. Sige. Sabi ko nalang, just keep me posted.

Alas-siete.
Alas-otso.
Alas-nueve.

Wala pang tawag. Parang antagal. Sa mga nakaraan naming karanasan sa ospital na yon, matagal na ang 2 oras, usually may resulta agad.

Bilang kilala naming tarantahin ang biyenan ko kapag may nagkakasakit, nagdesisyon kaming wag sila kulitin sa telepono. Pero hindi makatiis ang lalaki kong biyenan. Tanong ng tanong.

Mag-a-alas dose na sila nakauwi.
Dali-dali, pinuntahan ko ang biyenan ko at nakipag chikahan.

Damang-dama ko ang init ng ulo at disappointment niya.

Isa sa mga nag-clai-claim na CENTEX (Center for Excellence) ang ospital na ito. Kilalang ospital ng may mga kaya. Isa sila sa mga inaasahan ng Department if Tourism na makakatulong nila sa pagpromite ng Medical Tourism sa Asia. Basta narinig mo ang pangalan ng ospital na ito, kakampante ka. Ang mahal kaya!

Eto na nga.

Pagdating diumano nila sa ospital, consultants, take note, consultants ang naka duty, hindi lang residente.

Tingin-tingin sa bata. Ginawa ang routinary procedures. Ang mahaderang consultant, nag-order ng NS-1, isang lab test para mag-confirm ng Dengue.

Nagtanong ang biyenan ko kung bakit NS-1, eh ang lagnat ng bata ay 4 days ago na. Medyi nataranta na talaga si biyenan, dahil kaya nga niya dinala sa ospital dahil sa takot niya sa dengue. Sabi ba namab ng consultant, ‘ay oo nga pala no, sige, IgG test nalang’. Ano ba yun!

Ang IgG o Immunoglobulin G test ay mag-de-determine kung nagkaroon ba ng ibang sakit o infection ang bata na hindi masyadong nag manifest ng signs and symptoms.

Sumige ang biyenan ko. In-announce din ng consultanr na mataas ang bp ng bata. Lalo ng gumulo ang sitwasyon.

Dahil gusto talagang patunayan ng consultant na mahadera siya, sa tuwing magtatanong ang biyenan ko ng tungkol sa kondisyon ng bata, ina-angasan siya ng, ‘teka lang, maya-maya’.

Maintindihin naman si biyenan.

Maya-maya, lumapit si dr. Mahadera, nagdadadaldal ng resulta ng FECALYSIS at URINALYSIS. Natanga ang biyenan, pinsan at pamangkin ko. Baket?! Kasi WALA naman daw silang sinubmit na sample, at wala namang doctor’s order. Nung napansin na ni doc mahadera na nakatanga lang yung tatlo, luminya lang ng, ‘ay! Sa ibang pasyente nga pala to’ sabay talikod. Sarap hablutin ng buhok.

Maya-maya pa ulit, may lumapit na doctor sa kanila, nagpakilala, ‘good evening po, ako po si dr chuchu, eent, ni-refer kayo ni doc mahadera’

Nagulat nanaman ang biyenan ko dahil hindi man lang sinabi ni doc mahadera na ire-refer an kaso nila sa iba. Mildly, na-breach na yung doctor-patient confidentiality. Karapatan ng bawat pasyente na malaman ang mga gagawin sa kanya no!

Bilang mabait si eent, medyo kumalma ang biyenan ko. Blessing in disguise ang pagdating ni eent dahil na-i-discuss ng maayos yung naging tonsilitis ng bata.

Balik tayo kay doc mahadera. Alas diyes na ng gabi, wala pa daw ibang ginagawa sa kanila. Yung kasabay nilang bata na nahulog, sumuka, dinala sa ER, na-ct scan, labas ang resulta ay na-discharge na.

Sila lang daw ang pasyente nung dumating sila. Alas diyes na ng gabi, sila nalang ulit ang pasyente, na-diacharge na lahat.

10:30. Nagdesisyin daw si do mahadera na i-confine ang baa dahil mataas ang Hematocrit ng bata. In short, masyadong malapot ang dugo niya na posibleng rason ng pagtaas ng bp.

Nagtanong si biyenan kung kelangan ba talagang i-confine. Kung hindi ba pwedeng iral rehydration nalang, tutl bakasyon na ng bata, pwede ng tutukan.

Mahadera talaga si doc. Tumalikod, tumawag sa telepono, nagtanong sa ibang doctor. Pagkalipas ng 1 oras, saka lang niya binalikan ang biyenan ko, i-co-confine daw talaga.

Maraming salamat sa lahat ng santong nakasaksi sa pagiginf mahadera ni doc, at nag-endorse na siya sa ibang consultant bandang 12.

Yung bagong consultant ang naging sagot sa dasal ng biyenan ko.

Una, kinontra niya agad ang confinement. Go siya sa oral rehydration. Pangalawa, nagalit siya na umabot ng matagal ang paghihintay nila, ayon sa resulta ng IgG, alas-otso palang, naibaba na ng laboratory ang resulta. Pangatlo, kaya nga consultant na siya, dapat well trained na siya sa pagharap sa mga pasyente. Hindi siya dapat nagmahadera.

Ala-una na nakarating ng bahay ang biyenan ko at ang mag-ina. Nakita sa IgG test niyanf nagka-Dengue ang bata, pero kahit paano, na-overcome niya.

Ang nakakatuwa? Ang kumplikado ng mga nangyari sa bata, pero ang dapat lang namun gawin ay patibayin ang resistensya ng bata. Masuatansiyang pagkain, sapat na pahinga, outdoor activities. I-improve lang ang wholistic well being nito.

Sa mahaderang consultant, isang matinding TSSSSEEEEEEEE!!!!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s