Healthcare: FOR SALE!


Sa nangyari sa pamangkin, biyenan at pinsan ko, hindi ko maiwasang malungkot dahil unti-unti, nagiging negosyo na talaga ang healthcare sa Pilipinas.

Kahit bawal, bago magsimula ang treatment sa isang pasyente, naniningil pa din ang ibang ospital. Eto pa, alam niyo ba na habang sumu-sosyal ang kwartong kinukuha niyo, ay tumataas din ang PF ng mga doctor niyo?

Bakit? Dahil ina-assume agad ng mga ospital na if you’re able to pay your room with this amount, you probably can afford the doctor’s pf wit this amount, too.

Parang ganito:

Semi-private room = PF 300/day
Regular private room = PF 700/day
Large private room = PF 1200/day
Suite room = PF 3000/day

Imagination ko lang yung halaga ng PF, pero ganyan ang nangyayari talaga. Iba pa yung PF kapag may spesyalistang tumingin sa iyo. Mag-rounds man o hindi si doc sa iyo sa isang araw, babayaran mo pa din siya.

Oo nga’t may PHILHEALTH. Dati rati, ang computation ng ibabawas nila sa bill mo ay depende kung nasa PRIMARY, TERTIARY o SECONDARY hospital ka. Depende din kung general medicine, fellow, consultant ang tumingin sa iyo. In short, habang tumataas ang kalibre ng ospital, gamot, kwarto, at procedures na ginagawa sa iyo, may posibilidad na lumaki din ang iaawas ng PHILHEALTH sa iyo. RVU ang tawag nila don, o Relative Value Unit.

Pero dati yon. Nitong 2012, may bagong memorandum na inilabas ang PHILHEALTH, binabalewala na ang RVU, bagkus, ay gagawing fixed ang amount na babayaran ng PHILHEALTH sa bill mo. Halimbawa, ang Dengue, Php6000 nalang. Kahit umabot pa sa 100,000 ang bill mo, anim na libo lang ang iaawas ng PHILHEALTH don. Kalokohan nila. Tapos sa June, magtataas na din sila ng sisingiling premium sa lahat ng miyembro. Huhay!

Ano ng nangyari sa atin? Hindi ba kaya na gaya ng sa Isteyts, ay libre ang healthcare?

Isa pang nakakaloko, kapag may HMO/health card, ang mga empleyado ng isang kumpanya at libre, hindi lang alam ng iba na matinding pag monitor ng UTILIZATION REPORT ang ginagawa.

Bakit kailangan ang UTIL REPORT? dito makikita kung anu-ano ang pinakamadalas na naguging sakit ng mga empleyado, at kung saang ospital sila nagpupunta. Ang implikasyon? Ganito, sabihin nating ang isang empleyado ay may 100,000 maximum benefit limit/illness/year, ibig sabihin, kung magkasakit siya sa puso, atay, baga, utak, mata laging may isandaang libong budget para doon. Eh kung ang halaga ng HMO ng isang empleyado ay 19k lang, at ma-max out o maubos niya yung isandaang libo na maximum benefit limit niya, lugi na agad ang HMO kasi 19k lang anf binayaran ng kumpanya pero 100k ang binayaran ng HMO. gets?!

Madalas, ang ginagawa ng mga kumpanyang sobrang taas ng utilization ay kumbinsihin ang mga empleyado na huwag ng magpunta ng MEDICAL CITY o MAKATI MED o ST LUKES kung nahatsing lang naman. Kaya maraming satelite clinic ang mga HMO para dun nalang magpunta ang mga miyembro, mas tipid pa sa kanila.

Eto lang yan:

Mataas na utilization = luging HMO

Luging HMO = kailangan magtaas ng premium bawat empleyado

Mataas na premium = baka hindi na kayanin ni empleyor ang halaga

Kapag hindi na kaya ang halaga = posibleng tanggalin ang HMO sa company benefit

Na hindi naman pwedeng basta basta tanggalin. Bakit? Dun papasok ang Demunition of Benefits. Sabi sa Labor Code, kung ano man yung mga benefits na dati ng natatanggap ng mga empleyado, ay hindi pwedeng tanggalin ng employer. Sabihin nating hindi tinanggal pero mas mababang klase sa original, hindi pa din pupwede.

* may umi-epal sa mga pinagsasabi ko. Excuse me ha, naging case study ko ito sa NR dati. Naging close kami ng isa sa mga abogado ng DOLE dahil ang magagaling namin company lawyer, gusto akong idemanda. Yung dati kasin maximum benefit limit nilang 360,000/illness/year ay magiging 300,000 nalang dahil yun lang ang kaya at ang inaprubahan ng Department of Budget and Management. Mahabang kwento pa kung paano ko nalusutan yon. Ang sugurado ko lang, tama ang pinagsasabi ko.

Huli na, kung talagang hindi nininegosyo ang healthcare, bakit kaya ibinenta ng mga madre ng SsPS ang Our Lady of Lourdes Hospital kay Manny Pangilinan? Bakit din kaya pumayag ang Asian Hospital na bilhin ni MVP nag shares / stocks nilang 44.5% na nagkakahalagang 1.17B. pesos?

Ayon.
Baka makasalubong niyo yung presidente natin, paki-kalabit nalang.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s