TCT Fillet with Shitake Mushroom and Tausi Beans


20120308-140453.jpg

Muntik ng mag-epic fail tong recipe na to.

Una, nakabili na ako ng Shitake mushroom ng walang recipe in mind.

Pangalawa, wala nga pala akong super thin knife na pwedeng ipang-fillet ng tilapia.

Pangatlo, na-steam ko na ang tilapia sa pag-asang ma madali siyang ma-fi-fillet. Nangyari naman, saka ko lang na-realize na baka ma-bopis siya kapag iginisa ko, kaya prinito ko pa ulit para lang magka-crust.

Pero mabait si batman, masarap at maayos pa din ang kinalabasan. Nagustuhan pa din ng mga pinakain ko 🙂

Ingredients:

Tilapia fillet
Cream dory fillet, cut into cubes
Tuna in can (flakes in oil)
Garlic
Onion
Shitake mushroom, sliced thinly, remove ‘tail’
Tausi beans, hugasan, ibabad sa tubig habang hindi pa gagamitin para hindi masyadong maalat.
Cornstarch
Pepper
Kalamansi
Canola oil
Water

Procedure:

I-marinate ang cream dory sa kalamansi at salt. Set aside.

Lagyan ng asin, paminta at patakan ng kalamansi ang tilapia, ibalot ng aluminum foil.

I-steam ang tilapia, mga 7 minutes.

I-prito ang cream dory, mga 5 minutes. Set aside.

Ihango ang tilapia at himayin. Iprito hanggang lumutong ang both sides.

Ihalo ang cornstarch sa tubig. Siguraduhing wala ng ‘lump’. Set aside.

Igisa ang bawang at sibuyas. Lagyan ng konting paminta.

Ilagay ang shitake mushroom.

Siguraduhing ma-maintain ang unit ng kawali, para mas lumasa ang mushroom. Dapat naririnig pa din yung zzzzzz sound 🙂

Ihalo ang tausi beans.

Simmer.

Ihalo ang mga isda – in no particular order.

Kapag na-coat na nung ‘aromatics’ ang mga isda, idagdag ang cornstarch mixture.

Hinaan ang apoy para hindi masunog.

Pakuluin ng 5-7 minutes.

Hindi na kailangang lagyan ng asin ang sauce dahil maalat na in nature yung tausi beans.

Serve.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s