Sagot.


Ang sagot ng mister ko sa post ko nung nakaraang araw:

“bakit mo kasi sino-solo yung mga ganung alalahanin? Bakit hindi mo i-share agad sa akin?! Bakit mo dinadamdam mag-isa?! Kaya nga tayo mag-asawa. Lagi mong sinasabi, the you is now an us, the i is now a we eh ano’ng nangyari? Walang halong bola, proud ako sa paraang kung paano mo i-budget qng sweldo. Alam na alam mong ipinagyayabang ko sa iba yung natutunan kong pag-iipon mo. Para saan yung self-pity mo? Nakatulong ba? Napagod ka lang di ba? Higit sa lahat, kaya nga tayo nag-iipon, para kapag dumating yung mga oras na magipit, may madudukot tayo. Aanhin natin yung pera sa bangko? Bubulukin? Mommy, hindi man masyadong tama yung naging simula natin bilang mag-asawa, nauna man yung magka-anak tayo bago ikasal, dapat pilitin nating tama lang ang gawin. Na-ge-get mo ako? Yung mga negative thoughts na yan, wag mo na intindihin. Kapag may dinadamdam ka, sabihin mo lang. Di ba, hindi lang tayo mag-asawa, kuya mo ako, kaibigan, tropa, kahit minsan, worst enemies tayo. Yang pera, mapapalitan. Yang pang-gastos, magagawan ng paraan, pero yung oras na sasayangin mo kakamarakulyo, hindi na mapapalitan yon. Ipapa-alala ko lang ulit yung isa nating rule bilang mag-asawa, hinding-hindi natin pagtatalunan ang pera. Chill chill ka lang, ako bahala.

At naiyak lang ako sa hiya. 😥

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s