Puro marakulyo lang to, promise!


Sabi ko sa sarili ko, huling interview na yung aatenand ko 2 weeks ago, kapag wala pa din, ayawan na talaga.

Parang pakiramdam ko masyado na akong na-demoralized ng mga pagkabigo ko.

Bilang isang pamilyadong tao, hindi maiiwasan yung may mga biglang pagkakagastusan. Yung mga gamot lang ng anak ko sa Urticaria, umabot ng apat na libo. Lagas ang budget!

Oo, merong extra sa bangko.

Dati, sa tuwing makakaramdam ako ng awa sa sarili ko, dahil hindi ako makatulong sa gastusin sq bahay sa asawa ko, lagi niyang pinapa-alala sa akin yung kwento ng mga construction workers na katrabaho namin dati.

1. Yung tower crane operator, 4 ang anak. 3 na dun ang professional – teacher, nurse at engineer. Nag-ba-bike lang siya pagpasok, at umaasa sa mga scrap na kahoy na patapon na para gawing uling ng misis niya. Instant noodles na niluto sa gabaldeng tubig ang ulam niya mula umaga hanggang gabi. Sa pagiging tower crane operator niya naigapang ang mga anak niya, housewife ang misis.

2. May karpentero kaming 5 ang anak. 4th year highschool ang panganay, at grade 3 ang bunso. Malapit lang ang inuuwian nila kaya walang gastos sa pamasahe, dahil don, dinadalhan nalang siya ng asawa o anak niya ng pagkain kapag lunch at merienda. Tinalo pa kami ng karpenterong ito, nakapag pundar na ng laptop para sa anak niyanv mag-ko-kolehiyo.

3. Yung foreman ng project, kumpare namin, ninong ni baby. Tatlo lang ang anak niya, pero hindi pumapalyang mailabas niya kapag weekend ang mga bata. Jollibee, Mcdo, KFC, weekly yon. Para hindi naman daw mapagiwanan ang mga bata, yun din ang reward system niya dahil laging nasa honor roll yung 2 nag-aaral.

Yung bantay lang ni baby, hindi naman kalakihan ang sweldo sa amin. Anim ang anak niya. Hindi na makapagtrabaho ang mister niya dahilsa sakit nito. Kung tutuusin, yung pa-sweldo namin sa kanya, halos kalahati lang ng groceries namin nu’ng may trabaho pa ako. Pero nagagawan nila ng paraan.

At ang pinaka-classic na halimbawa, eh ang mga magulang namin. Empleyado hanggang mag-retiro sila. Rank-and-file employees. Naranasan din namin ang hirap, at ang paghigpit ng sinturon na halos hindi na makahinga.

Sabi ko, nasa lifestyle lang ng tao kung paano pagkakasyahin ang sinusweldo, habang namumuhay pa din ng disente.

Dalaga pa lang ako, sa tuwing sweldo, nagtatabi na ako agad ng para sa ipon. Kung magkano ang matira, yun lang ang pipilitin kong pagkasyahin para sa mga obligasyon ko. Contrary sa ginagawa ng iba tuwing sweldo, gagastos muna, kung may matira, yun ang ipon.

Dala-dala ko hanggang ngayon yung ganung systema. In-impose ko yun sa asawa ko. Nakatulong naman.

Ano bang iminamarakulyo ko?

Sunod-sunod ang pagtaas ng kung anu-ano: LPG, fuel, kuryente, gatas na naka-lata, pati BP ni Miriam Defensor-Santiago!

Kapag halos magigipit na, parang ina-activate ang self-pity button ko. I feel worthless. Parang I’m at fault kung bakit minsan halos hindi kumakasya ang pang-gastos, kasi ako ang nag-ba-budget.

Ewan ko ba. Matindi ang impluwensiya ng ‘GIRL POWER’ sa akin. It’s still different when a wife has her own money to spend, paniniwala ko. Sabi ko nga sa asawa ko (siyempre kapag biruan lang), kung sakaling maghiwalay kami, hindi ako maghahabol sa conjugal properties namin, kanya na lahat, basta sa akin si baby. Hehe.

I know, I know, God will provide.
Mas matindi ang pananalig ko ngayon.
Siksik, liglig, umaapaw.

Siguro naman normal lang na mag-alala ako para sa pamilya ko pagdating sa ganitong issue. Bilang magulang, ayaw ko ng maranasan ng anak ko at ng magiging mga anak pa namin yung hirap at kagipitang naranasan namin. Ayown.

Advertisements

4 thoughts on “Puro marakulyo lang to, promise!

  1. Kung iisipin mo talaga bat yong iba napapag kasya nila yung halos wala nang mabili na halaga, me kapitbahay kami dati isang pirasong isda lang napapagkasya na nila sa buong pamilya pito silang lahat, nasa lifestyle lang talga siguro pero parang hirap tiisin ng sarili. dati nung first month ko dito sa opis yung 500 na starting allowance ko napag kasya ko na ng buong cut off, ngayon kulang na yung sampung libo sa dalawang linggo :c

    1. Oo nga eh! Nag-trabaho ako kay Ayala 11,100 isang bwan ang sweldo ko. Bago ako maka dagdag na isang libo isang kinsenas, 70hrs OT kelangan kong bunuin. Pero kasya – tuition ng kapatid, grocery at kuryente.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s