Eh ang gusto ko andito si papa. Period.


Sa text:

Kaibigan: na-mi-miss mo na papa mo no?
Ako: oo. Lagi. Araw-araw.
Kaibigan: nasaan man siya ngayon, masaya na siya, for sure.

May mga pagkakataong sinusubok ng panahon ang puso, katatagan at pagkatao ko lalo kapag papa ko ang pinag-uusapan.

Lumaki akong papa’s girl. Wala kahit amba ng kamay akong natikman. Kahit minsan, hindi ako minura. Kapag sesermunan ako, laging ganito ang dialogue niya: ‘anak, pagagalitan na kita dahil nagagalit na sa akin ang mama mo.’

Kaya naman para akong pinagsakluban ng langit at lupa at lupa at langit nu’ng mamatay siya.

At sa tuwing maririnig ko noon yung, ‘masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.’, nag-aalburuto ang dibdib ko.

Naging selfish ako sa pananaw na AYOKO KUNG NASAAN MAN SIYA NGAYON, KUNG SAAN MAN YANG SINASABI NINYO.

Ang gusto ko, andito siya sa amin, nakakasama, nakaka-usap, nakakatawanan, nakakasabay kumain, nakikita, nahahawakan. Ayokong nasa ibang lugar siya. Basta ayoko.

Sa tuwing may malungkot / masakit na pangyayari sa buhay ko, na-mi-miss ko siya. Kapag may masaya, mas na-mi-miss ko siya ng sobra-sobra.

Hindi ko alam kung paano nasasabi sa akin ng iba na ‘okay lang yan, happy na si papa mo’ kung hindi pa naman sila nawawalan ng tatay.

Hindi nila alam kung gaano kasakit para sa kapatid kong bunso yung tumuntong sa grounds ng PUP mag-isa sa unang araw niya, kung kaming dalawa ng ate niya eh naihatid nila papa nu’ng time namin.

Hindi nila alam kung gaano kasakit yung mag-celebrate ng pasko ng isang malaking portrait lang ni papa ang kasama namin.

Hindi nila alam kung paano namin sasagutin yung tanong ng mga apo ni papa na: MAMA, HINDI NA UWI PAPA DITO? AYAW NA NIYA UWI? (rai)

Hindi nila alam kung gaano kasakit para kay Peewee na makita sa pinakaunang pagkakataon ang papa ko-ng nasa morgue na.

Hindi nila alam kung gaano kasakit yung ikasal ako ng mama ko lang ang pumirma ng consent ko.

Hindi nila alam kung ano’ng kirot yung naramdaman ko nung pinatawag ni Mayor Medina ang parents ng bagong kasal para sa picture taking at si mayor ang hinilang katabi ng mama ko.

Hindi nila alam kung paanong parang lalamunin ng lupa at sasabog ang dibdib ni Irish ng mamatay si papa na hindi pa sila nag-uusap ulit.

Hindi nila alam kung papano gustong tumalon ng puso ko sa tuwing maalala kong wala pa ako sa bahay nung huling uwi niya ng gabi, at tulog pa ako nung paalis na siya ng madaling araw.

Hindi nila alam na isang portion ng puso, isip at katawan ng mama ko ang namatay din sa pagkamatay ng asawa niya, katuwang, kakampi at kapanalig sa loob ng 23 taon.

Lagi kong naiisip, kung buhay pa si papa, mas masayang-masaya siguro kapag uuwi kami sa Bulacan at ganito ka-bibo ang anak ko at ang mga pamangkin ko.

Kung buhay pa si papa, hindi siguro magmamaneho si Peewee sa tuwing uuwi kami, bagkos ay ipasundo at ipahatid nalang kami dahil siguradong may drinking session sila.

Kung buhay pa si papa, malamang dito siya sa Pateros uuwi kapag tinamad umuwi ng Bulacan.

Kung buhay pa si papa, hindi ko iiwasang tignan yung mga bus ng Partas na nakakasabay ng shuttle ng NR sa NLEX.

Kung buhay pa si papa, hindi ko iiwasang lumingon sa San Juan De Dios, at sa terminal ng Partas sa Pasay-Taft.

Hanggang ngayon, masakit pa din. Araw-araw na-mi-miss ko siya. Nu’ng libing, ang pinakamasakit na moment eh yung ibinababa na yung kabaong niya, knowing na I’ll never see him again. Never again.

Dati nga, sa bawat kasal na makikita ko, ang pinaka-aabangan ko eh yung pag turn over ng tatay ng bride ng anak niya sa groom at ang first dance ng daughter-father sa reception. Naalala ko, pinapanood ko si Danica Sotto-Pingris at Vic Sotto sa first dance nila, at para akong baliw. Iyak-tawa-kilig-iyak-iyak-tawa-kilig. Ang labo ko. Na-i-imagine ko kasi yung mangyayari kapag kami naman ni papa yung nasa ganung sitwasyon.

Pero ngayon, hanggang imagination nalang talaga siya. Wala na si papa. Kapag kinasal kami ni Peewee sa simbahan, si mama nalang ang ka-abresiete ko habang naglalakad sa altar. Isang kanang kamay nalang ang pagmamanuhan ni Peewee pagdating sa harap. Sa sobrang iyakin ko, malamang malusak pa ang make up ko non kakaiyak.

May 2009 pa nangyari lahat ng yon.
Hindi na siguro mawawala pa yung pain na nararamdaman ko, parang na-immune nalang ako sa sakit kaya I’m able to atleast, move on.

Nakakapagod kaya maging matapang. Minsan hindi maiwasang mag-break down ulit. Gaya ngayon. Pero sa tuwing makakaramdam ako ng ganito, MAS NA-APPRECIATE ko na yung mga sinabi nilang, MASAYA NA SI PAPA MO NASAAN MAN SIYA NGAYON. Kasi parang magic, ang corny siguro para sa iba, pero parang andyan lang siya sa tabi-tabi kapag bigla akong malulungkot nanaman, tapos magkakaroon bigla ng rason para tumawa o kahit mapangiti man lang.

Ayon.
Miss na miss ka na namin, papa.

Sabi nga ni Rai, ‘bantay mo lang kami papa ha, tingin mo kami lagi. Bulong mo kay papa Jesus ito _____ (insert Rai’s prayers here).’

20120309-012431.jpg

Advertisements

One thought on “Eh ang gusto ko andito si papa. Period.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s