Top 7 sa Bar Exam


Congratulations kay EIREENE XINA ACOSTA!
Hindi mo lang ipinasa ang Bar Exam, nag-top 7 ka pa! Ikaw na!

Nagkakilala kami ni Eireene o Xina nu’ng 1998. Transferee ako bilang freshman sa Immaculate Heart of Mary School – Bulacan, Grade 6 siya non.

1999 na kami nagkaroon ng pagkakataon para maging close. Pareho kaming class president. Tumakbo akong Student Council President, at Vice President naman siya, sa iisang partido – SPEED (Students’ Party Toward Educative Excellence and Development). Nanalo kaming pareho. Ang buong partido ang nanalo, actually. Itinuring kaming powerhouse. Naging history kaming dalawa dahil sa paghawak namin sa SC ng dalawang sunod na school year: SY 1999-2000; 2001-2002.

PREXY ang tawag namin sa isa’t-isa:

presidenteng sexy

.

Nu’ng mga panahon na yun nabuo ang panibugho at pagnanais kong maging ABOGADO. nag-i-enjoy akong maging boses ng student body sa kahit na anumang isyu nila sa management at mga madreng administrator. Aral na aral ako ng student manuals at handbooks. Sabi ko kay Eireene, mag-a-abogado ako. Natuwa ako ng sabihin niyang siya din daw, gusto niya, kasi idol niya ako. Nagtatawagan kami ng ATORNI, o isusulat namin ang pangalan namin ng ganito;

ATTY. KAREN ANNE BACDAYAN
ATTY. EIREENE XINA ACOSTA

Attorneys-at-Law

After 12 years, siya na ang nakatupad sa mga pangarap namin. Nagtapos siya ng HS Valedictorian. Pumasok sa UP-Diliman at grumaduate na Cum Laude. Scholar siya ng San Beda College sa loob ng apat na taon.

Maagang naulila sa ama si Xina. Namatay sa isang aksidente ang papa niya bago pa siya nagtapos ng hayskul.

Maraming nangyari nung 3rd year na ako at 2nd year siya. Pareho kaming lumipat sa magkaibang skwelahan. Nabawasan ang komunikasyon, pero naging tight friends pa din ang mama niya at ang mama ko. Lagi pa din kaming iniimbitahan sa kanila kapag may mga okasyon. Nung nag-kolehiyo kami pareho, sila mama at Tita Emy nalang ang nagkaroon ng continuous na communication. Tuluyang naputol ang sa amin ni Eireene.

At ayun nga. ABOGADO na si Eireene. Kahapon ko pa inaabangan na ilabas ng SC ang resulta. Pagtungtong ng alas-dos kanina, nakita ko sa tweet ni Bb. Maria Ressa ang link ng listahan ng mga pumasa sa Bar Exam. Nakalista din don ang Top Ten, at parang may kung anong kapangyarihang gumapang sa katawan ko at hindi ko maipaliwanag dahil para akong naihi sa kilig. TOP SEVEN nga siya. Agad agad ko siyang binati sa facebook.

Nu’ng nakita ko sa tv yung mukha niya, sobra ang tuwa ko.

Nu’ng humupa ang tuwa ko, parang may kulay pulang langgam na kumagat sa puso ko.

Inggit. Ay hindi, mild lang pala, panghihinayang.

Panghihinayang na kung pinayagan ako ni mother dear na ituloy ang plano kong mag-Economics o Legal Management, alam ko, abogado na din sana ako ngayon. ATTY KAREN ANNE BACDAYAN din sana ang pangalan ko.

Sa kabilang banda, kung naging abogado ako, hindi ko makikilala si Suzy nu’ng college. Kung hindi dahil kay Suzy, hindi ko makikilala ang Kuya niyang si Bryan, at hindi maipapakilala ni Bryan sa akin si mapanakit-na-ex-boyfriend. Kung hindi dahil kay MNEB, hindi ako mati-tripan kunin ng Daddy niya bilang Project Nurse sa MDC. At kung hindi dahil sa MDC, hindi ko makikilala ang mister ko, at wala sana akong Enzo.

Iba pa din ang plano para sa akin. Sa ngayon, CONGRATS muna ulit, Atty Acosta! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s