Mga Gwardiya


20120228-170919.jpg

20120228-170926.jpg

Ang unang larawan ay ang mga security guards ng North Luzon Railways Corporation at ang pangalawa ay ang mga Security guards ng Makati Development Corporation – The Aston Tower project.

Hindi ako mahirap kaibiganin. Basta gusto / feel kita sa unang pagtatama ng mga mata natin, gagawa ako ng paraan para maging magkaibigan tayo. Kapag hindi naman, sorry, ayaw ko.

Sa mga nakaraan kong pinanggalingang trabaho, hindi pumapalyang makipag kaibigan ako sa mga gwardiya. Kung bakit?

Una, magaling sila mag-chess! Haha. Wala pa akonf nakikilalang guard na hindi magaling mag-chess!

Pangalawa, wala ng iba pang makakapagprotekta sa iyo bukod sa sarili mo kung hindi sila, kapag nasa trabaho ka.

Pangatlo, security guard ata ako sa past life ko, kaya malapit ang puso ko sa kanila. Haha.

Yung OIC ng mga guards sa pinanggalingan naming kumpanya ng mister ko, ninong ni baby.

Tsaka madalas, yung mga pinaka-low profilena tao ang pinakamasarap kaibiganin. Walang masyadong problema, walang hassle.

Kahit pa naging biktima ng aroganteng gwardiya ang nanay ko at lubusan akong nasaktan don, hindi naapektuhan non ang pagiging ‘friends’ namin ng mga guards na yan 🙂

Kayo, may mga kaibigan din ba kayong gwardiya? 😉

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s