A Poem For Enzo :)


20120224-234232.jpg

Enzo ang pangalan,
Anak ng mga palaban.
Hindi magpapatalo
Hindi papadehado.

May 2010 ng siya’y dumating.
3 linggong mas maaga sa inaasahan namin.
Mundo’y naiba mula ng siya’y lumabas.
Makulay, masaya, talaga namang MAS NA MAS!

Maraming gabi na kami’y pinuyat mo.
Iyak mo’y naririnig hanggang kabilang kanto.
Kapag ikaw nama’y nagmamarakulyo,
Hindi maiwasan, kami’y mapaginitan din ng iyong lolo.

Ngiti mo pa lang lahat ay sulit na.
Tanggal lahat ng pagod, at kung anu-ano pa.
Sa kulit mo ngayon, lahat ay natutuwa.
Kahit madalas evicted sa bahay ng lolo at lola.

6lbs ka lang ng ika’y ipanganak.
Kahit pa si mommy ay times 4 ang bigat!
Paglipas ng panahon, lahat ay ginulat mo,
‘your baby’s 3kg overweight’ sabi ni Dr. Florentino!

Walang pinipili lahat ay kinakain.
Ampalaya, sibuyas, at pipinong paborito!
Karne ay niluluwa, very good, baby ko!
Fish at vegetables, sige lang lantakan mo.

Ang pagligo ay never naging problema.
Playground kung ituring ang amin kubeta.
Huwag siyang yayakapin ng napakadiin,
Pihado ako, sa kanya ikaw ay sasamain!

Nakikinita ko, lalaking matalino
Ang baby namin na ang pangalan ay Enzo
Huwag mamaliitin ang bulas na ito
Aba malay niyo, siya ang magsalba sa mundo!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s