Nagbuntis. Magbubuntis. Buntis.


Pagkatapos kong manganak nung May 2010, lagi akong kinikilig na kapag may nababalitaan akong buntis 🙂

Parang ako yung magkaka-baby sa excitement. Happy ako para sa kanila kasi alam ko kung gaano kasaya yung journey to mommyhood.

Very thrilling naman talagang experience yon.

Yung mabubwisit ka sa mga hindi mo naman kinakabwisitan dati.

Maghahanap ka ng pink na mangga.

Matamis na kalamansi.

Bayabas na walang buto.

Nakakainis yung masusuka ka anytime, anywhere.

Masarap ma-baby sa MRT, o sa kahit na ano’ng pila. Give priority to pregnant women, ika nga.

May instant 2 months leave kapag normal delivery, 75 days kapag CS.

May moolah from SSS, kapag swerte, pati kumpanya, may ibinibigay.

Higit sa lahat, amazing yung proseso na may isa pang buhay sa loob ng katawan mo, umaasa sa iyo.

Yung tipong paglabas niya, 360′ na pagbabago ang magaganap.

Yung mga dati mo ng nakasanayan gawin, gaya ng pag-sho-shopping, pag-gimik, parang mawawalan ka na ng gana. Una, mas gusto mo ng kasama ang baby, pangalawa, manghihinayang ka na sa pera.

Kung dati-rati ladies’ section agad ang diretso mo sa mall, pag may baby na, infants’ muna.

Kung sanay kang magtulog mantika sa gabi, eh lo and behold, pupuyatin ka ng anak mo na halos panawan ka ng bait dahil hindi mo malaman ang gagawin.

Maraming marami pa.

Gaano man kasaya ang magbuntis at magkababy, pwede na naming sundan si Enzo. Mag-dadalawang taon na siya sa May.

Pero choice na din naming huwag muna. Masyado kasi akong maselan magbuntis. Ipahinga ko daw muna ang matres ko sabi ni OB.

Tsaka, super ini-enjoy pa namin siya. Minsan nakaka-guilty na parang kulangbpa yung atensyon namin kay baby, o talagang praning lang kami.

Last, hindi pa kami tapos bayaran ang educational plan ni Enzo. Sa 2016 pa matatapos. Kaya 5 years din ang plano naming next baby.

Naka Depo-Provera shot ako bilang family planning method naming mag-asawa. Quarterly ang bigay. So far, okay naman.

Ayon. Congrats sa mga magiging mommy na. Sa mga hanggang ngayon sumusubok, konting tiyaga at dasal lang. 🙂

MOTHERHOOD IS A LIFETIME CAREER. NO RENEWAL OF COBTRACTS, NO CANCELLATION, NO BACKING OUT. ALL YOU CAN DO IS TO ENJOY, ENDURE AND EXPERIENCE 🙂

Advertisements

2 thoughts on “Nagbuntis. Magbubuntis. Buntis.

  1. Parang na trauma ako bigla dun sa manggang pink, where the hell in the world ako makakahanap nun, sana pag mag asawa na kmi ni Bear, dagang bahay or ipis nalang paglihian nya para accessible. ;p

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s