Biktima kami ng mga mapang-abusong pulis at aroganteng gwardiya!


Punom-puno ako ng hinanakit at galit ngayon.

Ikukwento ko kung bakit.

June nu’ng isang taon, biglang tumawag ang nanay ko. Umiiyak.

Mama: anak, andito ako sa security office ng SM Fairview. Pinagbintangan akong shoplifter ng gwardiya.

Karen: bakit?! Ano buong nangyari?!

Mama: nagpunta akong SM kasi bibili sana akong case ng cellphone. Eh isang libo lang cash ko, bibili pa akong pasalaubong sa mga bata, hindi ko naman alam kung magkano yung case. Naglalakad ako sa second floor, tapat ng dating bingguhan, sa labas ng department store. Pabalik-balik ako kasi nga nag-iisip ako kung sa BPI, Metrobank o BDO ako magwiwithdraw ng pandagdag pera. Nu’ng pangatlong balik ko na, bigla nalang akong hinablot nu’ng gwardiya, shoplifter daw ako, hinawakan ako sa kaliwang braso, kinaladkad papuntang security office. Ang ginawa pa niya, nilagay niya yung kamay ko sa likod para hindi ako makapalag. Halos magkandarapa ako sa paghila niya. Labas na yung kaliwang suso ko, may nagmagandang loob lang na ale, ibinaba yung damit ko. Inagaw din niya yung bag ko.

Karen: eh nasaan na yung tarantadong gwardiya na yan?

Mama: (umiiyak pa din) tapos pagdating sa office binuklat yung bag ko, nakaharap na yung OIC niya, wala namang nakitang item, binuksan din yung wallet ko, bakit daw ang dami kong atm. Nilabas ko yung SSS, PHILHEALTH, TIN, Voter’s Id tsaka Driver’s License ko para mapatunayang ako si Anazaida Bacdayan. Tameme na siya. Anak, ang sakit sakit ng batok ko, grabe ang skip beat ko.

Karen: mag request ka ng nurse! (anlayo ko kasi, wala akong magawa).

Mama: mag 1 hour na ako dito, hindi pa din dumadating.

Karen: umalis ka na diyan, paglabas mo ng SM, dumiretso ka sa police station, sa tapat lang din niyan, mag file ka ng blotter. Tatawagan ko si Kenneth (bunso namin) papasundan kita diyan. Tawagan kita after 5 minutes.

Hindi pa man din natatapos ang 5 minutes tumawag ulit si mama.

Mama: na-bp na ako. 160/140. Aalis na ako. Tulungan mo ako nak.

Paglabas ng mama ko ng SM, inaabangan siya ng guard sa labas, na-relieve na daw siya sa duty at nag-so-sorry sa mama ko. Just like that?!? Mama told her to leave her alone, at magkita sila kung saan dapat magkita.

Using my connections and resources, I was able to report the incident directly sa VP for Security Services ng buong SM malls. They set an appointment with my mom the following day.

The following day:

Karen: ma, may meeting kayo ni Mr. Chuchu ng alas-dos. Pwede ka ba?

Mama: oo, tinawagan ako ng SM, isasama ko si Atty Pagay (abogado de kampanilya ng Bacdayan/kumapare nila mama dahil ninong siya ng bunso namin).

Karen: magpa-medico legal ka, sa East Ave ka magpunta, dapat kasi government hospital ang gagawa nun. Tsaka valid lang ang medicolegal kapag hindi pa lumalagpas ang 24 hours mula na-commit yung injury. Pupuntahan ko si chuchu para ma-follow up ko yung sa SM.

Mama: sige, nagpasa ng malaking malaki yung sa braso ko, yung pinaghablutan. Hindi pa din normal ang bp ko.

Karen: eh gago kasi yung hayop na gwardiyang yon eh! Mag-pa-picture ka din, yung kita yung braso mo. Sabihin mo sa studio yung may date ang kailangan o kaya bumili ka ng kahit na anong dyaryo ngayon, isama mo sa picture. Gaya nung ginagawa ni tiya sa PVAO.

Mama: oo sige. Tatawagan kita ng maya’t maya, sagutin mo.

Nagka-usap ang SM atang nanay ko. Karapatan daw ng nanay ko ang magdemanda at magreklamo, pero sorry daw talaga, sabi ng SM. Walang representative na dumating ang StarForce Security Agency nung tarantadong gwardiya.

Few days after the incident, naifinalize na ni mama at Atty Pagay ang complaint. Mild Physical Injury, Slander, Violation of Violence Against Children and Women, tsaka hindi ko matandaan kung Grave Discretion of Authority.

Na-i-file sa QC RTC.

Sinamahan ko din si mama mag-file ng administrative case (criminal sa qc rtc) si mama sa Camp Crame -SOSIA.

Agree naman sila sa amin na mali yung ginawa ng gwardiya. Sabi pa nila, SHOPLIFTING only happens kapag nailabas na ng tao yung item sa tindahan, o lumagpas na sa cashier. Kapag ibinulsa lang at nasa loob pa ng tindahan, bigyan dapat ng benefit of the doubt yung tao na baka nakalimutan lang bayaran.

Tinanggap ang complaint namin. Nag set ng unang hearing. Hindi kami sinipot nung guard nung unang hearing. Nung second, dumating na. Kasama yung
mas arogante pang VP for Operations daw ng kumpanya. Name our price daw. I brutally told them 50Million pesos, cash, walang installment. Laglag ang panga eh! Sorry na daw. Ano yun, bata natapakan ang paa, bigyan ng candy, bati na? Lul!

Nu’ng turn na ng guard mag explain ng sariliniya, UMAMIN ITONG MAY LAPSE OF JUDGMENT SA SIDE NIYA, at NA VIOLATE NIYA LAHAT NG KARAPATAN NG MAMA KO. HUMIHINGI DAW SIYA NG KAPATAWARAN. neknek mo!

After ng third hearing, sinabihan kami na pwede na makuha ang desisyon after 2 weeks. Balik naman kami.

Wala pa po eh. Balik kayo next week.
Wala pa po, nasa taas pa, 2 weeks pa po.
Naku ma’am, wala pa din. Try niyo po next month.
Bago po mag Christmas break meron na.
Busy lang po sa holiday season, after Christmas na.
After Chinese New Year na po.
Napadala na po namin sa address niyo. (mama: nag check na ako sa post office bago ako nagpunta dito, wala pa daw. Baka pwedeng humingi ng kopya dahil andito naman na ako)
Before Valentine’s po.
Happy Valentine’s po, ETO NA.

After 4768901235 jurassic years, naibaba din! ABSWELTO yung hayop na gwardiya! Baket? Dahil yung tarantadong inspector na gumawa ng report eh 2008 ang nilagay na petsa ng mga pangyayari. Sabi ng mga boss, 3 years ago na pala nangyarj, bakit ngayon lang magrereklamo?!

Eto ang mga ipinag ngingitngit ko:

1. Wala na ngang nakitang kahit na anong unpaid item sa bag niya, bakit na detain pa din?!?!

2. Sa mga pulis, taga-Bulacan pa ang nanay ko, oo, isang sakay lang ang Crame, pero oras pa din at pera ang igugugol para makarating dyan, ayaw niyi magbigay ng contact number, hindi kayi magbigay ng siguradong sagot, PARA HINDI NAGPABALIK BALIK ANG TAO!!!

3. Sorry?!?! Kung namatay ang nanay ko sa opisina niyo nung mga oras na pinagkakaladkad siya dahil sa sakit niya sa puso, may magagawa ba ang sorry niyo?!?!

4. Malinaw pa sa sikat ng araw ang petsa ng MedicoLegal, Blotter, Incident Report ng SM, written statement ng mama ko na pinagawa niyo na 2011 lang nangyari yon, hindi 2008!

5. Yung sinulat na statement ng guard, nilagay din niyang 2011 nangyari lahat, anyare?!?!?

Ayokong isipin, pero malakas ang kutob kong nabayaran na ang mga pulis na may hawak sa kaso ng nanay ko. Pasensya, pero walang matinong tao ang gagawa ng pinag gagawa ninyo, mga sir!

Kung mababasa lang ng lahat yung nagung desisyon, maawa kayo sa mga naging English teacher nila! Typographical error? Typo error your face! Andami damjng kung sinong pontio pilato ang nakapirma, NAKALUSOT SA INYO YUNG MGA GANUNG KAPALPAKAN SA GRAMMAR AT SPELLING?!?! ANO, GANUN KAYO KA BUSY PARA HINDI MAPANSIN YUNG MGA PAGKAKAMALING YON?!?!

Hindi ba, kung uutusan mo ang ibang tao na gumawa ng sulat, at ikaw ang pipirma, you want the correspondence to sound exactly like you. Ayaw mong mapapahiya. Ayaw mong may mali. Eh kayo hindi eh!

Sira na ang imahe niyo sa tao. Imbes na tulungan niyo ang isa’t isa sa sangkapulisan para maibalik ang respeto ng sambayanan, eto kayo, mga corrupt, bulag sa katotohanan, at pera pera ang labanan.

Pati matitinong pulis, nadadamay sa kapulpulan ninyo.

Para sa gwardiya, hindi ka bagay sa kinalalagyan mo! May patext text ka pa sa mama ko na maawa na siya, may sakit ang anak mo, at ikaw lang ang may trabaho, naawa pa kami nung simula eh. Pero nung mabasa namin yung sworn statement mo, na sinasabi mong hindi mo kinaladkad ang nanay ko, walang pisikalang nangyari, ‘naka! Naka talaga!

Pati asawa mo hinarass harass pa nanay ko sa text, araw araw, wag na ituloy ang demanda, tapos tatarantaduhin niyo din pala?!?!

Sa totoo lang, naisip ng iurong nalang namin yung admin case, for our peace of mind’s sake. Buti nalang hindi nangyari.

Hindi ko nilalahat ang mga pulis. May mangilan ngilan pa namang tuwid pa din ang daan. Aminin na natin, marami pa ding may sariling daang tinatahak. Aminin nating, yung mga inaasahan nating mag protekta sa atin eh hindi naman ganun ang intensyon talaga. Aminin nating, may mga corrupt at masasama talagang ugaling mga pulis.

Baka naman masyado ng maluwag ang batas para s mga gustong magbukas ng Security Agency. Sa SOSIA ko din to narinig – “may mga retired police, general, sundalo, abogado na malalakas ang loob magbukas ng agency. Konting pera, konting baril, konting uniform, hakot ng tambay, may security agency na!” sa inyi din, sa inyo ko din mga boss, narinig yan.

Ang sakit sakit lang sa kalooban na ginaganito nila ang nanay ko. Habang humahaba ang kwento, lalong sumasakit. Hindi ko alam kung ano pa ang susunod na kabanata, pero hindi ako titigil.

KAHIT SAAN PA TAYO MAGKITA AT MAGHARAP!

* antagal tagal kong pinigil magsulat ng tungkol dito, pakiramdam ko lang sasabog na ako.

* hindi lang sa CRAME – SOSIA may milagrong nangyayari, pati sa QC RTC, that deserves anither post. Will write about it kapag medyo malamig na siguro ulo ko.

Advertisements

5 thoughts on “Biktima kami ng mga mapang-abusong pulis at aroganteng gwardiya!

  1. Pwede ba mag mura?? P.I . Gago talaga mga pulis dito, parang two weeks ago na rape pinsan ko sa probinsya, umamin na lahat lahat yung suspect ayaw pa hulihin kasi daw hindi agad nag reklamo. P.I talaga.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s