Time in pa lang, gusto na umuwi!


Paano pa ako babalik sa pagtatrabaho kung iniisip ko pa lang na mag-ta-time in na ako, gusto ko na ulit umuwi at makipaglaro kay Enzo?

Nine months na akong housewife. Marami na akong napuntahang interviews. Kung hindi ko na-decline ang job offer dahil sa mga kalokohang alok nila, may mga hindi na tumawag at yung bukod tanging gustong-gusto ko pasukan eh sa ibang bansa ako gusto i-deploy. (we need your expertise on our Singapore branch).

Sa loob ng 9 na buwan na pag-bo-bonding namin ni Enzo, nakita ko yung unang hakbang tapos takbo agad niya. Narinig ko yung unang sigaw niya ng ‘Daddy!’. Nakita ko yung unang attempt niyang humawak ng kutsara at kumain mag-isa. Ako ang nagturo sa kanyang mag-sign of the cross, magsabi ng ‘cat’, ‘dog’, ‘pig’, tawagin ang dog through her fingers. Nauutusan na din siya-tapon mo yung diaper mo sa trash can, fix your toys, get daddy’s slippers, remove your shoes. Na-train ko siyang magsabi o ituro ang gusto niya, imbes na umiyak agad.

Mas na-mo-monitor ko ang kinakain niya. Ako mismo ang nag-pre-prepare ng breakfast, mid-morning snack, lunch, afternoon snack and dinner.

I also feel na mas takot siya sa akin, kesa sa daddy niya.

Kapag trip niya, sa akin din siya nagpapa-ligo, pero usually, si Tita Eva (the nanny) ang gumagawa nun para sa kanya.

Nagagawan ko agad ng paraan kapag constipated siya, o kapag mukhang sisipunin, o inu-bo-ubo.

Maraming milestones si Enzo na na-witness ko agad. Kapag wala na siyang water, milk, vitamins, stock ng biscuits and breads, nakakatakbo ako agad sa grocery.

Sumasapat naman ang sweldo ng mister ko. Malaku na yung nagjng adjustmens namin. Hindi na kami weekly kung mag-Starbucks. Kami na ang gumagawa ng sarili namin frappe, with love 🙂

Bakit nga ba gusto ko pa din magtrabaho?

Bulang isang idealistic na tao, nangangarap din akong maging immediate supervisor ng mga tao. Nu’ng nasa NORTHRAIL pa ako bilang Health Officer, may 6 na nurses akong ‘tauhan’, at sandamakmak na Safety Practitioners at Enforcers. Sabi ko sa sarili ko, this is it! Maraming tiyaga, maraming sikap, maraming pag-aaral at konting big break, kakayanin ko din humawak ng isang buong departamento. Target ko ang ENVIRONMENT, HEALTH & SAFETY. Isang aspeto sa loob ng kumpanya na hindi masyadong napapansin, pero napakalaki ng katungkulan.

Pagdating ng April 2011, parang gumuho lahat ng pangarap ko.

Akala ko kasi magtu-tuloy-tuloy na. May mabait akong asawa, malusog na anak, mapagmahal na biyenan, maunawaing nanay, mapagmalasakit na mga kaibigan, boss na tiwalang tiwala sa kakayanan ko at siyempre, malaking sweldo kumpara sa ibang NAR-IS (nurse yan, pinaarte ko lang).

Na-lay off ang 74 na empleyado ng kumpanya. Dahil sa diumano’y maanomalyang kontrata ng nakaraang administrasyon sa proyekto namin (isang railway system na magdadala sana sa atin mula Caloocan hanggang Subic, at Subic hanggang La Union), ipinag-utos ng Malakanyang sa DOTC na i-review ang kaperahang involved. Nagsimula sa bonuses at cash gifts namin. Lumusot naman, dapat lang daw namin tanggapin.

Pero eto na nga, pagkatapos ng ilang buwang review, lumabas ang desisyon. Kailangang ihinto ang project pansamantala. At dahil ihihinto, maraming posisyon ang walang gagawin, at para makatipid, aalisin nalang muna.

Hahay.

Timba timbang luha ang umagos sa bilugan kong mata noon. Yung totoo, nanghinayang ako sa friendship na nabuo ko sa mga tao ng NR, sunod, mas naawa ako sa mga lubos na umaasa sa nakukuha nilang sweldo, at pangatlo, mawawalan aki ng trabaho, na-aberya pa ang pangarap ko.

Hanggang ngayin, hati pa din ang puso ko kung mag-ta-trabaho o hindi.

Minsan pakiramdam ko nagsasawa na ang asawa ko sa kakangalngal ko kakaisip.

Ang gusti niya, umisip aki ng negosyo, at yun ang pagka-abalahan ko. Yun din ang konsepto niya ng pagyaman.

Samantalang ako, ang konsepto ko eh, magsisipag ako ng bonggang bongga sa trabaho, para kumita ng malaki, at mag-iipon.

Ayun. Gusto ko lang dumaldal. Wala pa ding na-generate na sagot sa mga katanungan ko 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s