Happy Birthday, Daddy!


Dear Daddy,

Happy 30th birthday!
Tatlong dekada ka ng nabubuhay sa mundong ibabaw! 
At kahit maliit na portion pa lang nun ang sa amin ni Enzo, kiber at  pake nila, meron pa tayong forever no!

Since 30 ka na (oo, uulit-ulitin ko talaga), may 30 akong wishes para sa iyo.

1. Hindi man natupad yung goal mo bago ka mag-30, meron ka pang 364 days bago ka mag-31! Hehe.

2. Sana magtuloy-tuloy pa yung growth mo sa trabaho.

3. Huwag kang magbabago sa pagiging masipag at dedicated na boss sa staff mo, at staff sa mga boss mo.

4. Tatandaan mo, your hardwork will never go unnoticed.

5. Sana laging maganda ang AMI mo. Haha!

6. Sana hindi mo na kailangang maging hudyo kapag Maundy Thursday, Good Friday at Black Saturday.

7. Sana mas dumami pa ang Christmas parties mo this year, ang saya mag-shop ng costume! Hehe.

8. Sana bumait at magbago na yung mga kinakainisan mo sa trabaho.

9. Sana ma-maintain mo yung happy disposition at positive attitude mo sa trabaho.

10. Sana marami ka pang matanggap na ‘chocolates’ galing sa officemates mo. Hehe.

11. Sana pumayat ka na, pero hindi kasing payat nung early 2009.

12. Sana maniwala ka na sa akin at makinig na gamitin mo yung mga vanity chuchu na binili ko at ibinigay sa iyo.

13. Sana huwag mo ng guluhin yung cabinet natin.

14. Sana huwag kang magsawa mag fried rice kapag Saturday and Sunday.

15. Sana dumami pa yung mga pachambs mong mga recipe, promise, nag-e-enjoy ako!

16. Sana huwag kang mapipikon kapag ginigising kita sa madaling araw para magtimpla ng milk ni Enzo.

17. Sana yung pagtitimpla mo ng kapeng hindi 3-in-1, hindi tuwin birthday ko lang mangyayari.

18. Sana, huwag kang magsasawang gumawa ng Banaba concoction sa tuwing susumpungin ang mga bato ko.

19. Sana magtuloy-tuloy na yung pagbabago mo sa manner of driving.

20. Sana kapag ginigising kita sa umaga, magpagising ka.

21. Sana lagi lang tayong healthy na tatlo.

22. Sana kapag matutulog tayo, mag-iiwan naman kayo ni Enzo ng space para sa akin, kahit yung pang infantile position lang!

23. Sana tigilan mo na kaka-beat mo ng sarili mong top score sa Angry Birds, nahihirapan na ako humabol!

24. Sana pumayag ka na magpa-foot spa, napapayag na nga kita mag-pedicure eh!

25. Sana kayanin na natin ng mas matagal yung Supa Strikas dance routine natin ni Enzo.

26. Sana ginawin ka namam minsan, at matuto magkumot ng hanggang dibdib. Hehe.

27. Sana huwag ka ng masyadong praning kapag naglalaro si Enzo sa labas na baka masugatan, kagatin ng lamok, mahamugan, madulas, may maisubo.

28. Sana dumami pa ang shoes mo, yung tipong shoes na yung aayaw sa iyo, para pumayag ka ng itapon ko yung wasak wasak mo ng rubber shoes.

29. Sana maging mas bold (ka pa! Hehehe) pa sa pagtanggal ng goatee (na 5 years mo pinahaba), at pagpapagupit ng pang boy next door yung mga gagawin mong decision. Higher position hold bigger responsibility don’t forget.

30. Sana makaya mong i-recite sa akin to in chronological order kasi may revalida ka later! Hahaha.

Oo na, alam ko, pinasimpleng utos lang yung mga nakalagay. Bakit, kapag birthday ba, bawal na mag-utos?! Hehe.

Seriously, I wish you a lot more birthdays. I wish you personal happiness. I wish you success. I wish that you remain to be a blessing for everyone.

I pray for your good health and understanding. 

Thank you for the most simple and most complicated  stuff you’re willing to do for us.

We love you so much, very, very much!

Lotsa Loving,

Mommy and Enzo 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s