Walang masamang buto


It’s sad when people do not appreciate the good things that you do.

It’s sadder when people treat you badly even if you do your best to treat them well.

Naiinis kasi ako. Naiinis ako sa isang tao na hindi ko maintindihan kung ano’ng problema niya sa akin. I already confronted that person once, pero todo deny siya na may issue siya sa akin.

Nakakainis kasi wala akong pinakitang masamang buto sa kanya. Nirirespeto ko lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Hanggat kaya ko, ibinibigay ko yung mga requests niya. Minamahal ko lahat ng involved sa relasyon namin ng taong to.

Pero kahit konti, walang effort sa side niya para itrato ako kung ano’ng dapat sa akin.

Binabastos niya ako ng harap-harapan. Ang pinakamasakit, pati mama ko, nasampulan na ng kabastusan niya. Ayoko ng ganun. Ayaw na ayaw.

Sa totoo lang, ayoko na siyang makita. Ayoko na siyang makausap. Ayoko ng magkaroon pa ng kahit na anong ugnayan. Pero napaka-imposible non. Magiging napaka-kumplikado ng sitwasyon.

Laging sinasabi ni Peewee na huwag ko na lang pansinin, dahil kahit siya, ganun ang tingin niya. Ganun na daw talaga siya dati pa. 

Hindi ko alam kung makakasanayan ko na siya. Minsan napipilitan akong pumatol sa mga kalokohan niya. Nakakapuno kasi. 

Hindi ko alam kung hanggang kelan kami ganito ng taong to. Sana lang huwag muna maubos ang pasensiya ko. Pipilitin kong pahabain pa. 

Pero sana tulungan niya din akong mapahaba pa nga yun.

Hahay.

Advertisements

4 thoughts on “Walang masamang buto

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s