Andami-daming EXTRA.


PEOPLE ARE FREE TO SAY WHATEVER THEY WANT TO. BUT PEEWEE AND I WILL REMAIN AS HUSBAND WIFE.

Walang issue ng third party o ng kabit sa buhay naming mag-asawa. (Good Lord, huwag po Ninyong hayaang mag-fall kami sa ganung klase ng temptation)
Naiirita nanaman kasi ako sa mga umi-extra sa buhay namin.
Mga hindi mapakali sa sarili nilang buhay.

Mga taong hindi nalang intindihin yung araw-araw na kalakalan nila.

Tahimik ang buhay naming mag-asawa. Masaya at kuntento kami sa kung ano’ng meron kami ngayon.

Biglang-bigla, akala ko tahimik na siya.

Bigla nanaman siyang nag-resurrect.

After all this time.

Sobrang haba na ng pasensya ko sa iyo.

Lahat na ng klase ng paliwanag na kayang gawin ni Peewee, ginawa na niya.

Lahat ng pang-unawa, ginawa ko na din.

Isa-isahin natin kung bakit ako naiirita sa iyo.
1. Kung pagkatapos ng ilang taon eh yang prinsipyo mo pa din ang pinapanindigan mo kaya kami magkasama ng mister ko, nakaka-awa ka.

2. Kung sinasabi mong okay ka at wala ka ng pakielam sa amin, pero taliwas ang ginagawa mo sa ikinikilos mo, nakaka-awa ka.

3. Kung sinasabi mong ang ‘pagkakaibigan’ lang na nabuo sa pagitan mo at sa mga taong iniikutan ng mundo ko ngayon (at ikaw dati) ang habol mo, pero nag-fi-fish ka pa din ng info, nakaka-awa ka.

4. Kung pati mga kaibigan mo eh iimbitahan ako maging friend sa facebook kahit wala kaming kuneksyon kung hindi ikaw, at obvious na obvious naman ang reason sa ginawa nila (ay para i-stalk kami), nakaka-awa ka.

5. Kung lahat ng mababasa mong hurtful at painful status sa facebook ay i-ku-konek mo sa failed relationship niyo, nakaka-awa ka.

6. Kung may ka-relasyon  ka na ng iba, pero panay pa din ang kunek mo sa mga taong kunektado sa nakaraan mo, nakaka-awa ka.

7. Kung mangilang beses ko ng tinanggihan ang alok mong maging magkaibigan tayo at hanggang ngayon ay nagpupumilit ka padin, nakaka-awa ka.

8. Kung gagamitin mo pa ang mga lumang email addresses mo, at ninyo para padalhan ako ng mga pananakot na email, eh nakaka-awa ka.

Nakaka-awa ka.

Nakaka-awa ka.

Nakaka-awa ka.

Extra ka pa ng extra.

Nakakaubos ka na ng pasensya.

Pinipilit kong maging sibil sa iyo, pero huwag mo akong abusuhin at huwag mong hayaan na maubos ang pisi ko.

Malapit na akong mapuno.

Malapit na din akong sumabog.

May mangilan-ngilang beses na akong umiyak sa inis.

Lagi kong pinagdadasal na sa mas tumatag pa ang loob ko sa pakikisama sa mga pinag-gagawa mo.

Sa mga taong involved, alam niyo kung ano ang nakakainis?

Yung hindi niyo iniisip yung consequence ng ginagawa niyo.
Una, mas alam namin ni Peewee ang totoo, ang lahat ng nangyari. We need not explain ourselves.

Pangalawa, hindi ako naging masamang ina at asawa kay Peewee at Enzo, para ganituhin ako.

Pangatlo, hindi ako nagpakita ng masamang buto at maitim na pagkato para balewalain ako. Huwag niyong antayin.

Pang-apat, respetuhin niyo ako sa paraang naayon sa akin.

 

 

Nakakainis kasi may mga tao na hindi nag-iisip ng mga pwedeng mangyari.

Ma-re-realize lang nila kapag nasaktan ka na ng sobra, at parang wala lang nangyari.

Konting preno, amigo, amiga.

At sa extra ng extra, sasamain ka na sa akin, sus, talaga!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s