MOMMY KAREN ♥


 

Part of the reason [motherly advice] bugs us as daughters is because our mothers are so powerful in our lives. They loom like giants. The reason mothers keep at it is because they’re so powerless. They cannot get you to do what is so obvious to them you should do.

– Deborah Tannen

 

“Maiintindihan mo din ako kapag naging nanay ka na.”

–          Mama ko.

Sa tuwing gagawa ako ng kalokohan dati, at mapapagalitan ako, hindi pumapalya si mama na sabihan ako ng mga linyang yan. Walang sermon ang lumipas na hindi niya yan sinasambit. Akala ko dati, umo-OA lang siya. O gusto niya lang ako talagang konsensiyahin.

Mag-iisang taon palang akong nanay. Sampung buwan, para eksakto. Sa loob ng sampung buwan na iyon, maraming maraming beses ng sinubok ang tatag ng kalooban ko bilang isang ina.

Ipinagbubuntis ko palang si Enzo, sinubok na ako. Hindi naka-kapit si Enzo sa matris ko ng mabuo siya. Akala nga ng pinakauna kong OB, may sakit lang ako, dahil may mga sintomas ako ng pagbubuntis (delayed period, thickened uterine wall, increased hcg in the blood, positive pregnancy test), pero walang makitang formation sa ultrasound. Naka-dalawang transvaginal ultrasound ako bago siya nakita. 2 linggo akong naka Duvadilan para masigurong kumapit siya. Pagkalipas ng 2 linggo, kumapit naman, ang sabi ng OB, kelangan ko mag-ingat, dahil isang pagkakamali lang, pwedeng mawala si baby.

5 months na akong buntis nu’ng pinaka-unang beses humilab ang tiyan ko. Bilang isang nurse, alam kong masyado pang maaga para sa Braxton Hick’s. Sabi ng OB, pre-term labor. 5 months?! Napakababa ng survival rate ng mga batang isinisilang ng ganun kabata. Nag-Isoxilan ako ng isang buwan. Um-okay ako hanggang pang pitong buwan.

7th month. April 9. Sumakit nanaman ang tiyan ko. Humihilab. Tumitigas. Kumukorte si baby kapag humihilab. Akala ko pagod lang. April 11 pa ako nagpa-check up. Hindi ako nagpadala agad sa ospital. Ginagawa kasi yung bahay naming noon, gusto na naming makalipat sana bago pa ako manganak. Pero nu’ng April 11, hindi na talaga kaya. Kahit ano’ng palit ko ng position, sumasakit talaga. Itinakbo ako ni Peewee sa ospital. 5 minuto pagkatapos akong check-up-pin ng OB, may swero na sa kaliwang kamay ko, at nasa loob na ako ng Labor Room ng Our Lady of Lourdes Hsopital.

14 hours akong nag labor. Lahat ata ng santo natawag ko kakadasal at kakaiyak. 7 bwan lang si baby, at alam kong may posibilidad na i-incubator siya. Una kong naisip ang surfactant sa lungs niya. Pangalawa, ang gastos. 7 buwan palang si baby no’n napaghandaan na namin ang gastos para sa kanya. Ang iniisip ko, matetengga ang pag gawa ng bahay. Kung susumahin, magstay siya ng 60 days sa incubator hanggang mag full term siya. 15,000/day x 60 = 900,000. Halos isang milyong piso! Pero mabait ang Diyos, hindi niya hinayaang lumabas si baby. Pinag leave na ako talaga ng OB, at swerte naman, pumayag ang boss (wala naman siyang magagawa talaga). May order ang OB, cbr, no br. Complete Bed Rest, No bathroom privileges. Isoxilan BID.

Nanganak ako nu’ng 36 weeks and 2 days na si baby. Sinubukan pang pigilin, pero after kong mag labor ng napakasakit sa loob ng 19 hours, lumabas siya. Normal Spontaneous Delivery (NSD). Sa ibang blog ko na ikukwento yung mga eksena sa loob ng Delivery Room at Recovery Room.

Bakit ko ba na-ikwento tong mga ito?

Ilang lingo na ang nakakaraan ng magkasakit si Enzo. 5 araw akong hindi nakapasok sa trabaho. Akala ko okay na, babalik na kami sa normal. Naisulat ko na ata sa isa ko pang blog kung naging gaano kahirap yung mga araw na yon.

Kagabi, bago kami matulog, napansin kong may pantal sa kanang mata ni Enzo. Inisip kong baka kagat ng langgam, kaya ng nakatulog na siya, pinahiran ko lang ng Calamine lotion. Halos hindi ako nakatulog, natakot ako sa anaphylactic shock.

Pag gising namin ng umaga, halos hindi na maimulat ni baby ang mga mata niya, magang maga at punom-puno na ng rashes ang buong katawan niya. Nagsimula na din siyang mag iiyak at ayaw magpalapag. Nagdalawang isip nanaman kao kung papasok o hindi. Kababalik ko lang sa trabaho nu’ng Lunes. PInagbihis ko muna ang mister ko, at saka ko iniabot sa kanya si baby, sinabihan ko siyang magpunta na sa mama-in-law at ipakiusap na samahan ang yaya at si Enzo sa ospital. Pagkatapos kong magbihis, ihinanda ko na ang mga damit niya, pati na din ang health card niya. Para nanamang lulukso ang puso ko palabas ng dibdib ko sa takot. Naiiyak nanaman ako, pero alam ko, hindi yon ang panahon para mag break down. Past 6:30 AM na kami nakaalis. Palabas na kami ng gate, naririnig ko pang umiiyak si baby. Gusto kong bumalik sana ng bahay para samahan nalang siya, pero pinigil na ako, lalo lang daw hahabol.

Hay.

Kapag dibdib talaga ng ina ang susubukin mo, matatalo ka.

Masyado yong matatag.

Walang lugar sa puso ng nana yang salitang kahinaan.

Ngayon, mas naiintindihan ko na si mama.

  • Okay na nga pala si baby. Tumawag na si mama-in-law. Allergic reaction lang, binigyan lang siya ng anti-histamine. Salamat naman. Sa staff ng TMC, wala po kaming balak na maging stock holder at share holder ng kumpanya niyo, nagkakataon lang na nagkasakit ang baby.
  • Sa baby ko, anak, hinni hotel ang ospital, para puntahan natin ng madalas. May aircon tayo sa bahay, dun tayo magkulong. Hindi din porket may health card tayo nila daddy, eh pwede na nating abusuhin yon. Mahirap magkwenta ng Utilization report, maniwala ka.

=D

 

Advertisements

2 thoughts on “MOMMY KAREN ♥

  1. Good to hear your baby’s fine. God bless! Always pray lang for her to be healthy, pati narin kayo ng husband mo 🙂

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s