ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na mainit na kapag isinubo mo at napaso ka ay iluluwa mo.


ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na mainit na kapag isinubo mo at napaso ka ay iluluwa mo.

bata palang ako, naririnig ko na yan – sa mama at papa ko, mga tiyahin at tiyuhin, mga kaibigan na maagang nagsipag asawa, sa pelikula sa tv at sinehan, sa mga magazine, dyaryo, radyo, chismisan sa kanto.


january 28, 2010.

yan ang petsa ng ikinasal ako kay peewee. apat na buwan akong buntis noon. maniwala ang iba o hindi, 8 buwan pa lang kaming mag bf/gf ng mga panahon na yan. kaya naman napakaraming nagulat, nagduda at nagtaka.
hindi namin sila masisisi. may mga pinagdaan akong mga  relasyon from the past. mabibilang pa naman kung gaano sila kadami. nasaktan. umiyak. tumawa. sumaya panandali. sumaya ng matagal. maraming emosyon. maraming natutunan.

 

3 linggo palang akong buntis, nagsabi na si peewee sa mga magulang at kamag anak niya na magpapakasal na siya (ng hindi sa long time ex fiancee  niya). from day 1 na nalaman nilang buntis ako, lahat sila atat na na mamanhikan. lagi kong sinasabi kay peewee na hindi pa yata ako handang mag – asawa. na payag naman ako sa set up na may anak kami, ipapagamit ko naman ang apelyido niya, KAHIT HINDI KAMI KASAL. ayaw na ayaw niya nu’ng idea ko. nagtatalo pa kami ng dahil don.

 

magdadalawang buwan na akong buntis ng magsabi kami kay mama. kahit pa ilang linggo pa lang akong delayed, eh nagdududa na siya (iba talaga ang ina!). lagi ko lang itinatanggi. november 16, 2009 ng itext ko siya at sinabing buntis ako, at magpapa-alam na kaming magpakasal.
bilang ina, nagalit siya. huwag daw akong uuwi ng bahay (naka barracks kasi ako non) at huwag na huwag daw namin siyang kakausapin.

 

naintindihan namin ang sentimiyento ng mama ko. 6 na buwan palang mula ng mamatay si papa. masakit pa para sa kanya ang lahat, at eto, bagong balita. pero mapilit kaming dalawa, umuwi pa din kami ng bahay.
november 17, 2009. pag galing namin ng OB ko, dumiretso kami ng bulacan. mag a-alas nuweba na kami nakarating ng bahay. hindi kami agad nilabas ni mama sa sala, at nagkulong siya sa kwarto. mag-a-alas onse na siya lumabas. mugto ang mata. tumabi lang siya sa akin, tumingin, at umiyak. HUMAGULGOL. niyakap ako ng mahigpit. mahigpit na mahigpit. bakit daw. wala akong nasabi. pareho kaming umiiyak. sa bawat hagod ni peewee sa likod ko, lalo akong naiiyak.

 

mga tatlumpong minuto kaming nag iyakan lang. pagkatapos non, tinanong niya na kami ng plano namin. it was peewee who laid the cards on the table.

 

mama was hesitant to give us her blessings. nakiusap siya, na kung church wedding na ang gusto namin, sana ay pagkatapos na ng babang luksa namin for  papa (may 25, 2010). a civil wedding ceremony is fine, malayo na daw yun sa ‘kasabihan’ ng matatanda. masaya na kami don. ng tanungin ni peewee kung kelan sila pwedeng mamanhikan, isang matipid na sagot ang sinabi ni mama, ‘niño anak, huwag muna nagyon, masakit pa. bigyan niyo muna ako ng time na i-absorb lahat’

 

naiintidihan ko lahat. lahat lahat. bago kami umalis ni peewee ng gabing yon, niyakap ako ulit ni mama, nagtanong kung gusto ko ng suha (isa sa mga favorite ko kasi yon), meron daw kasing pinadala si tita ellen ko (na pinakauna niyang sinabihan kaya naman to the rescue ang tita sa pagpunta sa bahay bago pa man din kami umuwi). nagpadala pa siya ng kung anu-anong prutas, at sinabihan ako kugn gusto kong lumipat ng OB. kay dra. juanita lee. OB din niya sa aming magkakapatid.

 

parang kakawala ang puso ko sa tuwa. nasaktan ko man ang mama ko, lalabas at lalabas pa din ang pagiging mama niya.

 

january 2, 2010 na ng makapamanhikan sila peewee. sabado iyon. nakakatawa ang araw na iyon. ang nasa bahay lang ay ako, si mama, 2 kapatid, 2 pamangkin at si tita ellen.
ng dumating ang angkan ni peewee ay natawa si mama sa dami. hanep daw, ayaw na akong pakawalan. eto ang listahan ng mga dumating: mama winnie (mother-in-law), kuya boyet (kapatid ni mama winnie), nana (tiyahin na tumayong nanay ni mama winnie dahil naulila siya at age 3), ang magkakapatid na: ate babe, ate mae, ninong ogie , tita ghie (na asawa ni ninong ogie) , kuya bennet, tita fe (na asawa ni kuya bennet), kuya achie at si peewee!

 

bukod sa natuwa sila peewee sa mga ihinanda ni mama (steamed lapu-lapu, hinalabos na sugpo, beef brocolli, inihaw na liempo, baked chicken) at ang napakasarap na pancit malabon at chocolate cake na dala nila, ay naging napaka ayos ng usapan. punom-puno ng tawanan, hagalpakan, biruan.
thankful na thankful kami ng peewee sa naging takbo ng usapan. pumayag ang kampo ni peewee sa kundisyon ni mama. january 24 ang unang na-i-set na schedule, para sabay sa birthday ni peewee. after a week, nacancel, hindi daw available si mayor. kaya naging january 28.

 

naging madali ang mga unang buwan ng pagsasama namin. una, nakapisan pa kami sa mga magulang ni peewee, habang ginagawa yung bahay na titirahan namin. may mga pagkakataong nag aaway, na tingin ko naman ay perfectly normal sa mag asawa.

 

maraming beses din na lumalabas ako ng kwarto na mugto ang mata. kahit kasi gaano kaliit ang issue, lumalaki sa akin. blame it to my hormones! hehe.

 

july 2010 na kami nakalipat. may iba pang kwento kung bakit tumagal ng ganun. sa next post na 🙂
ng makabukod kami, naging mas masaya. pwede na kasi kaming magsara ng pinto, magpatay ng ilaw kahit anong oras namin gusto.

 

ang nakaka-amaze, mula ng lumipat kami, iisang beses palang kami nag away. yung away na pagtatalo talaga. baliktad, no?

 

maraming marami na kaming tampuhan. lalo kapag nagtatagpo ang mga init ng ulo namin kapag pagod sa trabaho, kapag disappointed.

 

at sa tuwing mag kakatampuhan, ako yung pipi. hindi ako nagger na asawa. i always keep silent. less talk, less mistakes. doon kami baliktad, kapag naramdaman niya ang cold treatment ko, lagi niya akong pinipilit na magsalita at magkwento kung ano’ng problema. ayaw na ayaw niyang natutulog kaming magkagalit. ako naman, mas gusto kong palipasin na ang init ng ulo kesa sa kung ano pang masabi o magawa ko. madalas, naiiyak nalang kao kapag kinukiulit niya kung bakit ako tahimik. madalas, napipikon siya sa ganun.

 

ang maganda, wala pa kaming tampuhan na tumagal ng 24 oras. pumayag man siya na huwag muna kami mag usap at ipagpabukas nalang, lagi siyang gumagawa ng paraan para iparamdam na hindi na ako dapat mainis, kahit madaling araw pa lang. ugali ko kasing tumalikod kapag ganun. madalas, yayakapin niya ako mula sa likod, hahalik at mag so-sorry. lagi akong nagpapanggap na tulog. pinapakinggan ko lang yung mga sasabihin niya. iiyak ako ng hindi niya nalalaman, kasi nakukunsensya ako sa pagco-cold treatment ko nga sa kaniya.

 

this past few days, napapadalas ang inisan namin. masyado kaming pressure sa kanya-kanya naming trabaho. halos isang buwan na, na kapag umuuwi kami sa bahay, mag-di-dinner, kwento kwento ng konti, shower, harutan with Enzo, tapos bulagta na. dati rati, kaming 2 mismo ay may harutan pa. kilitian hanggang mapikon ako, or coffee date sa backyard. mga ganun.

 

we are both looking forward to a less stressful day, kahit isa lang during weekdays. iba pa din kasi yung may breaker.
oh well.

 

sabi ng boss ko, sa buhay mag asawa, darating at darating daw talaga yung time na feeling mo, you are no longer in love with the person you’re with. na parang routine na lang lahat. at nagsasawa ka na. yung tipong kahit wala siya sa tabi mo, o kahit hindi niyo maibigay yung biological at psychological needs (alam niyo na siguro ang tinutukoy ko), ay okay lang. deadma lang.

 

sabi niya, ang challenge daw dun, is not just  to overcome those instances, ALONE. dapat together pa din kayong mag iisip ng plano on how to rekindle the fire in the relationship, and execute it together. huwag daw isaksak sa kukote na WALA NA KASI AKONG CHOICE kaya kelangan isalba ang relasyon.
married couples should always remember that that they’ve exchanged vows,  before their friends, their families and God.

 

yun ang araw araw at gabi gabi naming tinatandaan. lagi kong sinasabi sa kanya, na kung dumating ang panahon na ma-tempt siya mag give in sa tukso, ay iisipin niyang mabuti kung ano’ng mararamdaman niya kapag ako din ang gumawa non, at iisipin niya na hindi lang married life namin ang masisira, pati ang walang muwang an si Enzo.


ganun din siya, lagi niyang pinapaalala sa akin na hindi ako nagpakasal mag isa. dalawa kami. ang bumubuo ng mga katagang MR. AND MRS. RODRIGUEZ ay siya at ako. it’s a give and take process daw.
ayun.

 

 

masyado na atang mahaba to.
isa lang naman ang gusto ko talagang sabihin.
HAPPY ANNIVERSARY to you, Mr. Rodriguez!

 

Though nu’ng January 28, 2011 pa ♥♥♥

 

 

I love you so much, Peewee! Very much.

 

Love lots,

Mrs. Rodriguez ♥

 

 

 

this post didn’t make it to it’s deadline. 🙂

Advertisements

2 thoughts on “ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na mainit na kapag isinubo mo at napaso ka ay iluluwa mo.

  1. Mahaba nga pero well-written. Kahit na pure tagalog, ayos. Hehe. 🙂 Happy anniversary to you and your husband. Malapit lang pala ang anniv natin. Hehe.. 🙂

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s