HAPPY, HAPPY BIRTHDAY, DADDY PEEWEE!


Sa Pinakamamahal kong Asawa,


Maligayang malaigayang kaarawan sa iyo!

Naalala mo pa yung pinaka unang beses na nag celebrate ka ng birthday mo na magkakilala na tayo? January 24, 2009.

Hindi pa tayo mag boyfriend / mag girlfriend no’n.

May kanya-kanya pa tayong ka-relasyon. Sabado yon eh, nagpakain ka ng itlog na maalat (pinandigan mo talagang taga-Pateros ka!)

At dahil taga Admin kami, mas lamang ang natanggap naming itlog na maalat.
Akala namin no’n, ang swerte na namin.
Aba’t malay ba namin na may GRAND CELEBRATION pala kayo sa site.
Ang kakapal ng mukha niyo, doon pa kayo uminom.
At hindi lang basta inom, nagpakalango talaga ang lahat sa alak!
Pero ayos lang. Matagal na yon. Tapos na.

Ang importante yung ngayon.

Pasensya ka na kung hndi ko pa kayang ibigay yung isa mo pang ultinmate birthday wish.

Sabi mo nga, ‘ I DON’T INTEND TO HAVE IT IN THE NEAR FUTURE, AND I DON’T WANT YOU TO INTEND TO BUY IT.’
Madaling – madali naman akong kausap.
Kulang na ang panahon para kumupit ako sa sweldo ko (actually, natin, haha!) at pag ipunan yon.

Gaya ng napag usapan natin kagabi (nag usap lang naman talaga tayo, di ba?! Ü), ang wish ko lang para sa iyo ay kalusugan.
Oo na, malusog ka na.
Ang ibig kong sabihin ay pang matagalan na kalusugan. Huwag kang magkakasakit. Huwag na tayong ma-o-ospital, lalo na kung sabay. Sobrang sweetness na yon.
Kailangan din nating maging malusog parati para maalagaan natin lagi si Enzo, at ang mga susunod pa nating chikiting.
Kailangan nating maging malusog lagi para maisakatuparan natin lahat ng pangarap natin bilang mag-asawa.
Sunod kong wish ay ang iyong pangsariling kaligayahan.

Iba pa din yung maligaya ka within you. Masaya ako na makitang masaya ka sa piling namin ni Enzo.

As an individual, sana mapanatili mo ang disposition mo sa buhay – simple, payak, mababaw ang kaligayahan, madaling kausap, mapagkumbaba, maaruga.

Wish ko din na matupad mo ang mga pangarap mo – para sa sarili mo, sa akin, kay Enzo, sa atin.

Alam kong lubos mong ikaliligaya kapag unti-unti ay na-a-achieve mo yung mga pangarap na yon.

Daddy (yihee, may form of endearment na tayo!), lagi mong sinasabi na ikaw na ang pinaka swerte, pinaka blessed at pinaka masayang tao, lalaki, ama, asawa, kapatid, kuya, pinsan, kumpare.
Sana ay magtuloy-tuloy yon.

Dati pa lagi ko ng sinasabi sa iyo na humahanga ako sa passion mo sa trabaho.

Sa MDC, kahit walang uwian at tulugan ng 3 araw at gabi, tuluy-tuloy pa din.

Hindi bumababa ang energy mo.

Sana ngayon, magtuloy-tuloy pa ang pag-eenjoy mo sa trabaho.
Kung alam mo lang kung gaano ako ka-proud sa mga achievements mo sa work.

Daddy, I pray that we continue to love each other with God as the center of our lives.
Happy, happy, birthday!
We love you so much!

 

Lubos na Nagmamahal,
Ang iyong equally drop dead gorgeous and oozingly hot wife.


Advertisements

2 thoughts on “HAPPY, HAPPY BIRTHDAY, DADDY PEEWEE!

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s