pong and piya: revealed (part I)


unlike any other lovers, niño paolo and i weren’t friends.

i hated him on the first day i saw him.

that was august of 2008.

there’s a long story why and how it happened.

i even started to call him PONG ( pong pagong from batibot).

then, everyone in the office followed! hehe.
our very first serious conversation happened in the admin office of Aston.

he had a motor accident (sumabit daw yung gulong ng motor niya sa takip ng manhole, ayun, tumaob siya),
he had lots of cuts, bruises and blisters all over his body.

september of 08 yun.
few days after that, nasugatan nanaman siya ng bonggang bongga sa site.

nagamot naman.
it was also september of 08 when papa roy underwent an operation.

he asked for my assistance in filing for an SSS loan.

since i do statutory benefits, i graciously helped him.
araw din ang binilang before we were finally able to file it.

at sa tagal na ginagawa ko yun sa mdc, history talaga tong si pong.

usually kasi, it take us more than one month, bago duamting ang cheke from SSS.

pero kay pong, 2 weeks lang!

bukod tangi talaga.


the very first inuman session happened in october of 08.

may kanya-kanya pa kaming ka-relasyon that time (ewan kung ilan sa kanya. wahahaha! peace.).

a date accompanied me to the barracks, and dinatnan namin sa labas sila hajie, chrizell, danny, shiela, rocky and niño paolo.

i even introduced my date ( na ex bf na ngayon) to them.

he initiated the conversation, and it went like this:
np: bakit ka pumapayag na pinapaiyak ka?k: huh?np: mugto mata mo!k: nawalan akong phone! (which is true naman talaga)

np: may kasama ka na, nawala pa?
(mayabang talaga!)

k: eh ako naman ang may hawak ng phone,
hindi siya!

np: iinom nalang natin yan, tara!

~and the rest is history.
______________
since may kanya-kanya pa kaming buhay that time, nagkikita lang kami sa site, sa office, konting chika, maraming asaran, maraming barahan, mas maraming basagan ng pagkatao.
our very first picture as ‘starting to be friends’ was taken on nov 22, 08, there were 2.

first was during the ISO orientation (morning ata non) na seatmates kami sa tabi ng wall, mga antuking bata kasi, second  during a meeting (safety),  hindi na kami tabi non.

second pic was during the 08 christmas party.

nagkausap lang kami nu’ng tapos na yung party, at dahil nalaglag nga ako sa stage (na sila daw ang nagdesign), eh inaway away ko pa siya, at pinagtawanan lang ako.
_____________________
come 2009, pinilit, as in hinarass na ako ng EHS supervisor na kelangan na talaga akong mag site. haha.

para wala ng away, nag sa-site ako sa umaga, balik ako sa office ng hapon.
eh magkapitbahay lang ang office namin sa office nila, kaya sa tuwing magtatagpo ang landas ng department nila sa amin, hay, napakagulong asaran to the max talaga.
nagkasakit siya ng sunod sunod dahil sa overtime na over talaga.

3 days sila minsan, walang uwian, puyatan, ulan, araw.

lagi siyang nagmamaka awa na bigyan ko siya ng clearance to go home, pero ayaw ni sgb.
pagpahingahin ko lang daw sa office, kasi hindi lalakad ang site ng si sgb lang.

eh mas mataas sa kanya yun, so yun ang sinusunod ko. haha.
bp dito,bp doon, gamot every 4, 6 hours. temperature check every 4 hours.

hanggang gumaling siya.

kasabay ng pag galing niya, ang pagtaas ng dami ng incidents at accidents sa site due to non compliance sa safety practices.
at dahil dyan, ako’y napag utusan:  HINDI AKO PWEDENG MAG OUT HANGGA’T MAY TAO, at sa mga engineers,  NO ENGINEERS ON SITE, NO OT (for the workers).

i would stay on site until midnight, tapos 24-hours on call pa!. watta!
the operations department (kung saan siya andun), at ang EHS namin, ay kailangang mag work hand-in-hand. lahat ng papauwiin ko dahil may sakit, ay kailangan dumaan sa kanya.

lahat ng maaksidente ay siya ang sinisisi ko.

LAHAT.

may mga mainit na pagtatalo, pero naayos naman.

naging partners kami in safety advocacy.

may naging away pa dahil kelangan kong pauwiin yung isang rigger.

eh nagkasakit dun yung isa.

no choice.

eh ayaw niyang pumayag na umuwi yung 2.

sabi ko, itigil ang trabaho (haha parang ganun lang).

sabi niya, pilitin kong gumaling. ano gusto niya, magic?!

naayos pa din.

nagawan ng paraan.

march of 09 niya ako unang beses inaya para manood ng car show sa MOA.

akala ko joke time lang.

hindi ako sumama.

tapos natuloy pala siya,

mag isa.

tumakas sa oras ng trabaho, at bago mag 4PM, may mga brochures na siya galing sa car show.

march of 09 din nagsimula na magkwentuhan kami tungkol sa kanya-kanya naming ka relasyon.

siya tungkol sa fiancee niya (yes, they were engaged), at ako sa bf ko (na anak ng boss namin, at isa si niño paolo na peborite engineer!).

mga petty fights,

kung paano nagkakilala,

mga pinagtatalunan,

dates,

mga infidelities,  etc.

palitan ng kuru-kuro.

palitan ng advice.

april 2009.

we had separate issues with our partners.

umuwi ako ng province.

may pakonti-konting palitan ng sms.

natanong niya ako minsan if what do i hate most in a guy.

told him excatly these things: LONG HAIR, GOATEE, MUSTACHE and baggy pants.
ang naging sagot niya lang: SANA SINABI MO NALANG NA AYAW MO SA AKIN, O NAIIRITA KANG MAKITA AKO.

haha. harsh.

pagbalik ko from a week long vacay (holy week ata non),

aba! naka clean cut ang loko!

haha. naka abang pa sa gate para ipagyabang na bagong (gagong Ü) gupit na siya.

inappreciate ko sa pamamagaitan ng pagtawa ng malakas. haha.
na-offend ata.
biglang bigla, nag lie-low ang nabuong friendship namin,

nabawasan ang kwentuhan.

nabawasan yung yosi breaks,

at coffee breaks kapag OT sa gabi.

april 28, 2009,

may date siya no’n, as far as i remember.

nakiusap kasi siya na iiwan niya sa akin yung susi ng motor niya dahil may lakad daw siya.

i reluctantly said yes, kasi may lakad din ako (it was my mom’s bday),

pero i still said yes, anyway.

sa barracks pa din kasi ako uuwi.
my then bf and i had a big fight that night, too.

pag uwi ko ng barracks, pinakatok niya ako sa guard para kunin na ang susi niya.

i asked how his date went, and he said it was fine.

he asked me how my date went too, i did not answer back.

i bid him goodnight and went back to our  room.

pagpasok ng may, na-alarm ang nabuo naming tropa sa mga nakikita nila sa akin.
maraming nakikita, na hindi ko alam kung paano ko isusulat.

too personal.

too painful.

sa mga nakaka alam, alam niyo na un. hehe.
they were all against it.

i would always contradict their opinions.

to prove them wrong, nakapag pagudpud, vigan, laoag trip pa ako with those-you-know-who’s’.

they  weren’t convinced.

may 8, 2009.

my then boyfriend and i broke up.

for real.

it  was a friday.

friday morning.

nagkulong ako sa clinic the whole day.

when  we broke up due to a very long unresolved issue and differences na hopeless na maayos.

niño and alex knocked and saw how miserable i looked that day, they immediately know there’s something wrong.

i didnot tell them why.

sabi ko lang i don’t feel well.

pero mapilit silang dalawa.

they didnot leave the clinic without me telling what really happened.  9although nasabi ko na kay sir jay what really happened)

i broke down into tears.

super cry.

ni hindi ako makapagsalita sa kakaiyak.

hindi ko mahawakan yung basong inalok nila na may tubig.

hindi ko mapunasan yung luha ko kasi nanginginig ang buong katawan ko.
to make it easier for me, tinreat nila ako ng lunch.

and they never left me the whole day.
hanggang kinabukasan. kahit ano’ng hingin ko, ibibigay nila.

TO MAKE ME FEEL BETTER daw.

a week after that day, pumasok si niño paolo sa clinic isang umaga. maga ang mata.

masakit daw ang ulo niya.

asked him why,

he told me that he overslept.

deadma lang.
_______________________

may 18 2009.

Naisip kong magpunta ng MOA para magliwaliw.

nasalubong ko siya nung palabas na ako ng gate.

asked me where am i going, and sama daw siya.

Sabi ko, ayoko,kasi gusto ko mapag isa,at kung gusto ko ng kasama, andami kong friends na pwede hilain,at ayokong magkaroon ng kaaway kapag may nakakita sa amin.

sige daw, okay lang daw.

naglalakad na ako sa parking ng market!market! ng biglang may humiyaw ng pangalan ko.

si niño.

humahangos.

sasama pa din daw siya.

walangya talaga.

eh bitbit na ang bag, nakapag rubber shoes na (from safety shoes), nakapag palit na ng shirt (from uniform), sama na daw siya, sige na.
eh di gora kami ng moa.

naglakad lakad. nag yosi. kumain. tumambay sa sea side. emo eh!
there,he told me why his eyes were swollen the other day.

single na daw kasi siya.

when asked why, hindi niya binuo yung detalye (i’ll post another entry how he told me the details).

sabi ko, hindi ko alam kung paano siya i-co-comfort, kasi kaya nga ako nasa MOA is to nurse my heart (naks!).

sabi niya, hindi daw niya kailangan,

okay lang daw siya.

konting inom,

konting labas ng sama ng loob sa mga willing makinig ayos na.

ganun daw talaga ang buhay.

kapag may binilang kang simula,
may katapusan.

kaya you shall not count.
hehe.
he asked me if i’ve plans of going back to him,
I  said maybe (tanga no?!).

i asked him the same question. sabi niya,kapag sumuka ka ba, lulunukin mo pa ulit?

gross. haha.

there was a very long discussion about going back to our exes’ arms, and befriending them.

HE WON.
nag reminisce din kami ng good memories with our exes that night.

siyempre, bitter pa eh.

may mga times na kinikilig pa kami pareho habang nagkukwento.

may mga barahan pa ng ‘ang corny niyo!’,

o

ang OA niyo!’,

o

‘gago pala siya eh!’.

ayun.
bago matapos ang gabi, we both agreed na that would be the last time we’ll rant, cry and remember the pain that our break ups have caused us.

one last cry ang drama.
the next day, pagpasok niya, maaliwalas na ang mukha.

parang walang nangyari.

back to his good old self na.
_____________________

may 19.

coffee daw kami,

libre niya.

pero ako daw ang pumili kung saan.

at 7 pm, we just found ourselves sitting at the veranda of Starbucks BHS with a venti java chip on each hand.

we talked about anything and everything under the sun and the moon (gabi na kaya nun).
i introduced to him the game, TEN QUESTIONS and his answers were quite shocking, ha.

saka na yung kwento ng ten questions.
after that night, he’ll atleast report to work earlier (dati rati ten am, 11, eh ang official time namin is 7AM!), 8 or even before 7.

he’ll invite me for breakfast, drop by at my clinic for lunch, ask somebody to bring me merienda, or we’ll eat together, dinner at market!market!, then coffee.

araw araw na ganun.

there were endless exchange of text messages and calls.

he’ll secretly leave food, chips, candies, chocolates at my drawer (sa clinic).

there were little notes.

hanggang sa lenghty letters.
secret lang actually yung mga little deeds of ‘sweetness’ niya.

it was only between him and me.

pero nabuko siya one time dahil nakita ng mga kasama niya sa operations yung dala niyang chocolates. humihingi sa kaniya, ayaw mamigay.

tapos, after 15-30 minutes, inabot niya na yung chocs.

after mga 1 hour, pumasok yung asst niya sa clinic, inalok ko ng chocolates (na galing nga kay niño paolo).
haha.

halos napahiyaw siya ng

‘ AHA! SA IYO PALA IBIBIGAY YAN, EH IPINAGDADAMOT PATI KAY SGB.

si sgb ay boss nila.

wahahaha!
ayun. cute no?!
it was between those coffee dates when he told me na he likes me and he wants to bring the friendship into another level.

told him to wait.
hindi niya man ako rebound, o hindi ko man siya rebound, hindi LAHAT  ng tao maiintidhan yon, and hindi lahat ng tao mapapaliwanagan na hindi ganun yon.
_________________________

may 24.we’re supposed to attend a baptism, pero na-traffic ako paluwas ng manila, so hindi na kami nakapunta.

we both decided na mag gala, and timing, leny invited me to come over her place.

i was hesitant to ask him to come with me, kasi sa cavite yon (oh well..).

pero he said yes.
the sun was already setting, nasa rooftop kami ng bahay nila, when we officially became a couple.

ang bilis? I KNOW.

paano? SECRET.

bakit? MAY DWENDENG NAGBULONG SA AKIN NA SIGE NA DAW.

___________________________

it wasn’t my plan to jump into another relationship yet, and that fast,

pero i now know and understand teh reason why it happened.
the first kiss happened on that night too. (a sweet smooch lang, relax!)
oh well, the euphoric feeling that we have that night was immediately cut short when i received mama’s call the day after.
papa suffered from a heart attack…

that’s all for now.

point ng kwentong ito ay i-introduce ang love story namin para sa upcoming first wedding anniversary 🙂
* maraming – marami pang sweet, cute and unforgettable events sa amin except sa mga naisulat ko.

cliche as it may sound, it’s up for us to know, and for you to find out! haha :))

Advertisements

2 thoughts on “pong and piya: revealed (part I)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s