House Rules sa Lahat ng Mambabasa Ko.


mahilig akong sumulat. naniniwala akong karapatan kong mag isip ng kahit na ano’ng bagay at obligasyon ko sa sarili ko na ilabas ang lahat na yun. marami akong diaries nu’ng bata ako. 2007 lang ako huminto sa pagda-diary. pero hindi dun nahinto ang pagsulat ko. nauso ang mga blog sa buhay ko. marami na sigurong nag ba-blog nu’ng mga panahon na yun, pero wala akong pakielam. late bloomer nalang ako kunyari. nagsimula ako sa friendster. pagkalipas ng ilang buwan, naimpluwensiyahan ako ng isang taong nagngangalang ‘lady’ na gumawa ng account sa multiply. naenganyo ako lalo sumulat dahil napakadali mag post ng entry. umabot sa daan – daan ang entries ko. pati sa photos, music, reviews, lahat!

hindi gaya ng ibang blog, parang online diary ang tema ng mga naisusulat ko. madalas patungkol sa mga karanasan ko ang mga nakasulat. may mangilan ngilang patungkol sa politika, lalo kapag interesado ako, patungkol sa relihiyon, at kung anu-ano pa.

madalas din, maraming nagtataas ng kilay kapag binabasa ang mga naisusulat ko. may sumasagot pa nga! may gumaya na din ng multiply account ko, kung ano’ng nakapost sa akin, kinokopya niya. isang klase yun ng flattery, kelangan kong tanggapin. nakakabwisit minsan, pero ayos lang. mas pinakita lang niya na wala siyang kwenta, ang alam niya lang mang gaya. gayun din dun sa  sumasagot lang sa mga sinusulat ko. pakiramdam kasi niya lagi ko siyang pinapatutsadahan, praning eh. pwede namang i-secure ang mga articles para sa mga freinds lamang, pero aaminin ko, natutuwa ako kapag naapektuhan ang mga tao 🙂

sa mga mambabasa ko na naiinis, wag kayong umasa na may mapupulot kayong kabutihang asal sa mga naisulat ko. huli na ang lahat, kapatid. dapat nu’ng bata ka palang, pinakinggan mo na ang mga magulang mo kung saan nakakakuha non. wag mong isisi sa mga salita ko ang lupit ng pasakit at panibughong nararamdaman mo sa tuwing tatamaan ka. huwag mong ipagpilitan sa akin na tigilan ko ang pagsulat patungkol sa mga bagay bagay. hindi mo maitatanim sa utak ko yan. parang buto ng mansanas, kahit saan mo itanim yan, hindi yan tutubo kung hindi talaga siya para sa lupang iyon. huwag kang makulit. tumubo man yan, hindi yan magtatagal.

kung papaano ko inaako ang responsibilidad ko bilang manunulat sa mga entries ko, walang pinagkaiba yun sa dami ng pwede mong sisihing circumstance kapag naghagis ako ng bato paitaas at walang direktang pinatamann. lahat nakabase sa direksyon ng hangin, bilis at lakas ng bato sa pagbagsak niya, at katangahan mo kung paanong hindi ka umilag, ipinangsalo mo pa ang ulo mo.

minsan mahirap din naman ang sumulat. ipokrito ang magsasabing nagsusulat lang siya para ipahayag ang nararamdaman niya. kahit paano, may konting puwang sa puso at isipan niya na naghahangad na mapansin siya ng kahit na sino man. pero alam mo kung ano ang mas mahirap? yung bigyan ng sariling kamay at bibig ang mga salita mo para yakapin ang mga taong nais mong pagdalhan ng mga idea mo.

pero kaibigan, ituring niyong salamin ang pagtrato niyo sa akin, ng irespeto ko din kayo. salaulain niyo ako, sasalaulain ko din ang buhay niyo sa pamamagitan ng panulat ko. kung gusto niyo ng basagan ng pagkatao, nampucha, game ako diyan, gusto ko yan. paninindigan ko ang sinabi ko na wala ng mas pinakakawawa pang tao sa isang taong siniseryoso ng todo ang internet. alam mo kung ano’ng sumunod dyan? yung mga taong naghahanap ng pagmamahal dito 🙂

wala pa akong planong tumigil sa pagsulat. basta nangati ang utak ko, gumalaw ng kusa ang mga kamay ko, at may internet connection sa telepono ko, tuloy ang ligaya! bakit ko tatanggalin ang kamay kong kumportableng nakayakap sa mga nagpapasaya sa akin, para lang salagin ang mga daliring mapanghusga ng mga taong wala naman talagang kinalaman sa akin?!?! aber?!?!

ganito nalang, hindi kasi kasalanan ng isa na mas maraming nakikinig sa sigaw niya kesa naririndi sa bulong mo. naiinis ka na sa mga isinusulat ko? eh di sumulat ka din! wadapaking problem naman is dat! hehe. ekskyus my prench.
kung gusto mo maranasan ang manalo, eh huwag po ako ang kalabanin mo, lalo sa patutsadahang ganito.
kung nagyoyosi na ako at relaks ng nakatunganga habang nagbubuga ng usok ilang minuto pagkatapos kong gumawa ng isang entry, at ikaw na mambabasa ko ay inaabot ng ilang oras o araw para matanggal ang epekto ng galit na namuo sa dibdib mo dahil sa kalokohan ko, NALULUNGKOT AKO PARA SA IYO. nakakaawa ka.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s